• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Creative music director ng ABS-CBN, sinabing ‘pilit na nilumpo ng gobyerno’ ang network

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
November 6, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Creative music director ng ABS-CBN, sinabing ‘pilit na nilumpo ng gobyerno’ ang network

Logo ng ABS-CBN at larawan ni Jonathan Manalo via Facebook

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagpahayag ng panibagong saloobin si ABS-CBN creative music director Jonathan Manalo sa mga “nagmamaang-maangan” sa naging pasya ng gobyerno na i-deny ang prangkisa ng dambuhalang TV network.

“Sa mga nagbabalik ngayon ng issue ng ABS-CBN franchise denial at nagmamaang-maangan at trying to frame that the current government has nothing to do with it. You are a hopeless case,” ani Manalo sa isang Facebook post nitong Sabado, Nob 6.

Giit ni Manalo, “Malinaw na ginipit at pilit na nilumpo ng gobyerno ang ABS-CBN sa pagpatay sa main broadcast business nito.”

Muli ring pinunto ng ABS-CBN composer at producer na “walang history ng tax evasion case ang ABS-CBN” kalakip ang isang artikulo mula sa CNN na nagpapatunay dito.

“Lahat ng binabalik at pinapakalat na naman ninyo ngayon ay fake news at false accusations–mga paratang na walang basehan at walang totoong hatol na galing sa anumang korte,” dagdag ni Manalo.

Sa mga itinakda ng batas, sinunod ng ABS-CBN ang lahat mga ito, ani Manalo.

“Gobyerno ang nagtakda ng tax code, lahat ng tax laws ng gobyerno din ang nagpapatupad ng tax credits at nagbigay ng tax incentives for programs aiding economic growth. Gobyerno din ang naghikayat sa private sector na mag shift from analog to digital technology para maging competitive tayo at makasabay sa buong mundo,” paliwanag ni Manalo.

“Sumunod ang ABS-CBN! Sumuporta sa mga programa ng gobyerno, in-avail ang mga programang in-offer ng gobyerno kasama na ang mga tax incentives na aprubado ng PEZA [Philippine Economic Zone Authority] upang maging partner ng bansa sa pag-angat ng ating ekonomiya at pagsulong ng mga bagong teknolohiya,” dagdag nito.

Sa kabila nito, pilit umanong binabaliktad ang katotohanan.

“Walang kasalanan ang ABS-CBN, kahit bali-baliktarin ninyo, walang nilabag na batas ang ABS-CBN,’” sabi ni Manalo.

Sa huli, binigyang-diin ni Manalo na walang tax delinquency ang ABS-CBN, sumunod ang network sa mga patakaran ng Security and Exchange Commission (SEC), nagbayad ang network ng karampatang buwis, walang kaso ang network sa Department of Labor and Employment (DOLE), at sumunod ito sa National Telecommunication Commission (NTC) rules and regulations.

Inilatag din ni Manalo ang ilang news articles bilang suporta sa kaniyang mga binanggit.

Matatandaang noong Mayo 5, 2020, inatasan ng NTC ang tigil-operasyon ng mga radio at television programs ng ABS-CBN.

Tags: Jonathan Manalo
Previous Post

Oil price rollback asahan sa susunod na linggo

Next Post

Manny Pacquiao, nangakong hindi magiging ‘Imeldific’ si Jinkee bilang First Lady

Next Post
Manny Pacquiao, nangakong hindi magiging ‘Imeldific’ si Jinkee bilang First Lady

Manny Pacquiao, nangakong hindi magiging 'Imeldific' si Jinkee bilang First Lady

Broom Broom Balita

  • NLEX Road Warriors, sumuko sa Ginebra
  • Robredo, mga tagasuporta, inalala ang isang taon nang 2022 pres’l campaign kickoff
  • Babae sa Cebu City, arestado dahil sa pagbebenta ng hubad na larawan ng sarili, mga kapatid online
  • DOH, tiniyak ang patuloy na pagbabantay ng Covid-19 variants
  • ‘Di na raw makukulong sa banyo!’ Lai Austria, ‘inayos’ caption sa post kasama si Dingdong
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.