• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Madir ni Albie Casiño, ayaw makipagtalakan kay Jaclyn Jose

Richard de Leon by Richard de Leon
November 4, 2021
in Showbiz atbp.
0
Madir ni Albie Casiño, ayaw makipagtalakan kay Jaclyn Jose

Rina Casiño, Albie Casiño, Jacklyn Jose, at Andi Eigenmann (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kung sumiklab ang beterana at premyadong aktres na si Jaclyn Jose sa mga banat ni Albie Casiño laban sa anak niyang si Andi Eigenmann, hindi naman umano feel ng madir ni Albie na si Rina Casiño na makipagbardahan ng talakan sa social media, at sulsulan pa ang mga ningas sa isa’t isa.

Nagpaunlak pala ng panayam si Mommy Rina kay Ogie Diaz sa kaniyang YouTube channel.

“Kausap ko si mommy Rina Casiño at naikuwento sa akin na sinabi raw ng husband niya na huwag ka nang magsalita, ‘truth will always prevail'”, wika ni Ogie. Kuwento pa niya, knows naman daw ni Andi kung ano ang tunay na mga naganap sa kanila ni Albie. Napapaiyak na lamang daw ang madir ng aktor kapag naaalala ang ginawang pambubugbog kay Albie ng mga kaibigan ni Andi, noong kasagsagan ng isyu ng pagbubuntis nito noong 2011.

“Dati kasi pinagtatakpan ni Albie sa kanya si Andi. May mga times pa raw na sinasampal ni Andi si Albie pero itinago ito sa kanya ng anak niya. Kasi kapag nagagalit daw si Andi ganu’n,” buking ni Ogie.

Isiningit naman ng co-host niya na si Mama Loi na ang itinatalak naman ni Jaclyn, si Albie ang nananakit sa kaniyang junakis.

May palagay naman dito si Ogie: “Minsan kasi iba naman ang katwiran ng lalaki, hindi ko siya binugbog, inaawat ko lang siya kapag nagagalit kaya siya nagkakapasa. Hindi ba may mga ganoon, ipapakita ang mga pasa pero ang totoo inaawat lang ng lalaki kasi ayaw siyang saktan ng lalaki.”

May isiniwalat pa raw si Mommy Rina sa kaniya na off the record na at saka niya ilalabas kapag may permiso na. Kaya hangad ni Ogie, sana ay maayos na ni Albie ang anumang gusot sa pagitan nila ni Andi, kapag nasa labas na ito ng Bahay ni Kuya. Isa si Albie sa mga housemates ng PBB: Kumunity Season 10.

Back to Mommy Rina, sabi ni Ogie ay bilang ina raw ay nauunawaan nito kung ano ang pinanggagalingan ni Jaclyn at nakapagsalita ito nang masasakit laban kay Albie. Kaya sana raw, pakiusap ni Ogie ay magkaayos na ang dalawang panig, tutal ay malapit na ang Pasko.

Tags: Albie Casiñoandi eigenmannJaclyn JoseRina Casiño
Previous Post

Maybelyn Dela Cruz, balik-showbiz na?

Next Post

Ama ni Sam Milby, pumanaw na

Next Post
Ama ni Sam Milby, pumanaw na

Ama ni Sam Milby, pumanaw na

Broom Broom Balita

  • John Riel Casimero, ibinenta ang WBO belt sa halagang ₱1.2M
  • PNR, may 4-araw na tigil-operasyon sa Mahal na Araw
  • Maja Salvador, ‘di lalayas sa Eat Bulaga
  • Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
  • Sawa, naglabas-masok sa inidoro ng CR sa loob ng bahay sa Roxas City
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.