• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Cobra Mentality: Lakas, tibay at bayanihan, tungo sa pagbangon

Balita Online by Balita Online
November 4, 2021
in Balita, Features
0
Cobra Mentality: Lakas, tibay at bayanihan, tungo sa pagbangon
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinabukasang walang kasiguruhan, pandemyang tila walang katapusan, ganito ngayon ang araw-araw nating nararanasan. Marami sa atin, nawalan pa ng trabaho, kaya hindi alam kung paano kukuha ng ipakakain sa ating mga pamilya. Lalong pinahirap ng Covid-19 ang ating buhay, pero hindi natinag ang lakas at tibay ng loob ng mga Pilipino, at higit sa lahat, lalo pa nitong binuhay ang bayanihan. Isang taon ang nalipas ngunit di tuminag ang pagtutulong sa kapwa nang umusbong ang iba’t ibang community pantries sa bansa.

Cobra Mentality ang tawag diyan! Bawat Pilipino, patuloy na inaangat ang sarili at ang lakas para makapagbigay serbisyo sa kapwa sa gitna ng kinakaharap natin ngayong mabigat na pagsubok. Ito ang layunin ng Bangon Campaign ng nangungunang local energy drink brand na Cobra.

Kabilang sa mga kababayan nating may Cobra Mentality ang security guard na si Renz Abelita. Edukasyon sa sarili niyang simpleng paraan ang ambag ni Renz sa lipunan. Nag-viral sa internet si “Sir Sekyu” matapos siyang ma-videohan habang nagtuturo sa mga batang lansangan sa labas ng binabantayan niyang sanglaan sa Maynila.

Renz Abelita

“Naisipan ko lang po turuan ‘yong mga bata na malapit dito sa akin, para kahit papaano, matutunan nilang magsulat ng mga letrang A-Z, ng kanilang mga pangalan, at pati na rin ang tamang pagbibilang,” sabi ni Renz.

Bago maging security guard, pangarap daw pala ni Renz na maging isang guro, pero dahil sa hirap ng buhay, naiba ang landas na kanyang tinahak.

“Tanging ang pagtulong sa pamilya at sa mga batang tinuturuan ko ang aking motibasyon para po maging positibo sa buhay. Ang pagtulong na lang sa kapwa ang magagawa ko sa ngayon, lalo na sa mga bata, dahil hirap din silang makapag-aral sa panahong ito.”

Ibahin naman natin ang isa pang Pilipinong may Cobra Mentality—ang photographer na si Mau Aguasin. Matapos niyang makita ang hirap na dinaranas ng marami sa lansangan noong isinailalim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ), binuo ni Mau ang Project Food Trunk LP sa Las Piñas City.

Mau Aguasin

“Noong lumabas ako nitong April, nakita ko ‘yung mga palaboy sa lansangan, walang makain. Ikinuwento ko ‘yun sa roommate ko na isang magaling na cook, at doon na namin naisip na ipagluto ang mga nangangailangan ng masusustansyang pagkain,” kuwento ni Mau. Dagdag pa niya, “kung masisiguro namin na mayroon silang makakain sa araw-araw, mas kakayanin nilang harapin ang pandemic na ’to.”

Bilang isang photographer, labis ring naapektuhan ang kabuhayan ni Mau, pero hindi siya nagdalawang-isip na tumulong pa rin sa mga mas nangangailangan. Nais niya ring bigyang pugay ang kanilang mga donors, na walang sawang bayanihan spirit ng mga sumusuporta para magpatuloy ang Project Food Trunk LP.

“Simula Day 1, nakakapag-operate kami dahil sa mga donation at sponsorships mula sa aming community. ‘Yung kagustuhan ng mga tao na tumulong kaya ito naging posible.”

Pangarap nina Mau na maging inspirasyon sila sa iba, at makatulong sa mas marami pang nangangailangan sa iba’t ibang sulok ng bansa. Target din nilang mahatiran ng grocery bags ang mga bagong nanay, mga nawalan ng trabaho, at iba pang mga PWD ngayong mayroon pa ring pandemya.

Ehemplo ng pagbangon

Sina Mau at Renz ang matuturing na pinaka-ehemplo ng Cobra Bangon Campaign—kampanyang nagpapaalala sa bawat manggagawang Pilipino na manatiling masipag, matibay, at malakas para malampasan ang anumang mabigat na pagsubok sa buhay. Sila ay maituturing may Cobra Mentality, kung saan hindi naging hadlang ang antas ng buhay para makatulong.

Tags: CobraCobra Mentality
Previous Post

Cristy Fermin, pinuri ang McLisse sa ginawang pag-amin na may baby na sila

Next Post

Jessy, may sweet b-day message sa kaniyang biyenang si Momski Vi

Next Post
Jessy, may sweet b-day message sa kaniyang biyenang si Momski Vi

Jessy, may sweet b-day message sa kaniyang biyenang si Momski Vi

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.