• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Albie at Alexa, may namumuong ‘bardagulan’ sa loob ng Bahay ni Kuya?

Richard de Leon by Richard de Leon
November 3, 2021
in Showbiz atbp.
0
Albie at Alexa, may namumuong ‘bardagulan’ sa loob ng Bahay ni Kuya?

Albie Casiño at Alexa Ilacad (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kapapasok pa lamang ng hunk actor na si Albie Casiño sa loob ng Pinoy Big Brother House subalit tila may isang housemate na siyang ‘kinaiiritahan’ batay sa kanilang pag-uusap ng kapwa housemate na si Eian Rances, na ipinalabas sa Tuesday episode ng PBB: Kumunity Season 10 nitong Nobyembre 2, 2021.

Isyu umano kay Albie ang pagtatago ni Alexa Ilacad, kapwa housemate na since Day 1 ay nasa loob na ng Bahay ni Kuya, ng mga food items na gusto nito para sa sarili niya. Nagkainitan din sila sa pagpili ng ‘peanut butter’ para sa kanilang weekly food supply.

“Medyo ayoko kung paano siya umasta dito sa bahay. Hindi niya bahay ’to. Kailangan niyang alalahanin ‘yan,” prangkang sabi ni Albie sa housemate na si Eian, habang sila ay nasa loob ng kulungan, na kanilang weekly task na nakabatay sa kanilang mga nagawang paglabag o violations sa loob ng Bahay ni Kuya.

“Ano, porke’t matagal na siya sa industriya, ganiyan na siya umasta? Matagal na rin naman ako sa industriya, hindi naman ako ganiyan umasta,” aniya.

Pinayuhan naman ni Eian si Albie na habaan na lamang ang pasensya upang hindi ito pagmulan ng anumang conflict o bardagulan sa loob ng bahay.

“Dude, ayoko siya kung paano siya umasta dito. Saka hassle pa kasi siya pa ’yung pinakakilala ko rito. Happy pa ako noong una na makakasama ko siya. Tapos siya pa ’yung pinakairita ako sa lahat,” pagpapatuloy pa ni Albie.

Nagkasama na sila ni Alexa sa isang proyekto bago ang PBB. Ito ay ang ‘Init sa Magdamag’ na pinagbidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion, at JM De Guzman na natapos na rin bandang Setyembre nitong 2021.

Sa mga naunang episode, inamin ni Albie na may kondisyon siya na tinatawag na ‘Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder’ o ADHD.

Bago pa man umalagwa ang pagpapakatotoo ni Albie sa PBB House, may ‘unsettled issue’ pa siya sa kaniyang paglabas sa outside world, sa mga kaanak ng dati niyang karelasyong si Andi Eigenmann, kung saan sinabi niyang kung mapag-uusapan man ito sa loob ng Bahay ni Kuya, ‘no hold bars’ na siya.

Kaugnay ito sa pagkakasangkot umano ni Albie sa pagbubuntis ni Andi noong 2011, na di-naglaon, napatunayang si Jake Ejercito pala ang ama.

Nagbanta si Jacklyn Jose kay Albie, at maging sa direktor ng PBB na si Direk Lauren Dyogi, na huwag nang idamay pa ang nananahimik na buhay ng anak, kapiling ang pamilyang binuo nito kasama ang partner na si Philmar Alipayo, na naninirahan na sa Siargao.

Samantala, nakaabang na ang mga PBB fans kung matutuloy ba ang bardagulan nina Albie at Alexa sa mga susunod na episodes.

Tags: Albie CasiñoAlexa IlacadPBB: Kumunity Season 10
Previous Post

Paolo Contis, ginaya ang trending na sculpture sa video clip ni J-Hope ng BTS

Next Post

Metro Manila, lalaya na sa curfew; midnight bazaar, papayagan na rin

Next Post
Metro Manila, lalaya na sa curfew; midnight bazaar, papayagan na rin

Metro Manila, lalaya na sa curfew; midnight bazaar, papayagan na rin

Broom Broom Balita

  • Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na
  • Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur
  • Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol
  • Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t
  • Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas
Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na

Tsunami warning matapos ang lindol sa Surigao, kinansela na

December 3, 2023
Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

Phivolcs, naglabas ng ‘tsunami warning’ matapos ang M6.9 na lindol sa Surigao del Sur

December 2, 2023
Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

Surigao del Sur, niyanig ng 6.9 magnitude na lindol

December 2, 2023
Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

Flu vax campaign para sa mga senior, isinagawa ng Las Piñas gov’t

December 2, 2023
Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas

Kaso ng dengue sa QC, lalo pang tumaas

December 2, 2023
Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’

Michelle Dee: ‘Promoting Filipinas is a dream come true’

December 2, 2023
14 sa Pinoy seafarers na nakaligtas sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa Pinas

14 sa Pinoy seafarers na nakaligtas sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa Pinas

December 2, 2023
Inka Magnaye, hinikayat netizens na mag-adopt ng Aspins, Puspins

Inka Magnaye, hinikayat netizens na mag-adopt ng Aspins, Puspins

December 2, 2023
‘Matic na ‘yan! Mga senior citizens, miyembro na ng PhilHealth

Social pension payout para sa senior citizens sa QC, sa Dis. 5 na!

December 2, 2023
Luke Espiritu, binigyang-pugay namayapang Jun Urbano

Luke Espiritu, binigyang-pugay namayapang Jun Urbano

December 2, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.