• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mayor Isko, VM Honey tumanggap ng mahigit ₱1B suporta mula sa Microsoft

Balita Online by Balita Online
November 2, 2021
in Balita, National / Metro
0
Mayor Isko, VM Honey tumanggap ng mahigit ₱1B suporta mula sa Microsoft

(Photo: PIO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mahigit ₱1 bilyon ang halaga ng suporta na ipinagkaloob ng kumpanyang Microsoft kina Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna, na inaasahang pakikinabangan ng libu-libong guro, mag-aaral at maging ng mga residente ng lungsod.

Laking pasalamat naman nina Moreno at Lacuna sa Microsoft dahil sa pagtugon nito sa kanilang panawagang tulong para sa mag-aaral sa pampublikong paaralan sa Maynila.

Nabatid na ang naturang tulong ay tinanggap nila mula sa mga kinatawan ng Microsoft sa mayor’s office sa Manila City Hall kung saan lumagda rin sila ng memorandum of understanding (MOU) at tumanggap ng 290,000 licenses para sa Microsoft 365.

Ayon kay Moreno, kung bibilhin taun-taon ang lisensya, ito ay nagkakahalaga ng ₱3,500 bawat isa, at kailangan din ng renewal kada taon.

“Nakuha ito ng Maynila ng libre, thanks for the trust. All students will get Microsoft global education program access while residents will get the opportunity to learn new digital jobs,” saad pa ng alkalde.

Ito, ayon kay Moreno ay kinabibilangan ng robotics engineering, cyber security specialist, data scientist, cloud engineering, software development engineers, data engineers, cloud developers, online customer service agent at online business consultants.

“Siksik, liglig at nag-uumaapaw. Almost ₱1 billion, laway lang ang puhunan natin.  Good luck sa mga bata. Pag ako nagbabayad ng license, every year din kaya malaking tulong ito sa atin.  Sa Microsoft Philippines family, thank you for your continued trust,” pahayag pa ng alkalde.

Sa bahagi naman ng Microsoft, sinabi ng kinatawan nito na sila ay committed sa pagkakaloob ng training para sa mga taong nagwo-work from home at pagkakaloob ng tulong sa mga residente na magkaroon ng mas magandang trabaho sa pamamagitan ng tama o akmang digital skills.

Tiniyak rin nila na ang kanilang iniaalok ay maaari ring pakinabangan ng city hall mismo, bukod pa sa mga estudyante at mga guro. 

Mary Ann Santiago

Tags: manilamicrosoftVM LACUNA
Previous Post

Alert Level sa Iraq, ibinaba sa Alert Level 3–DFA

Next Post

Pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, bumagal — DOH

Next Post
Pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, bumagal — DOH

Pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, bumagal -- DOH

Broom Broom Balita

  • Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto
  • Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas
  • Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey
  • Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers
  • Intimate birthday party ni Julie Ann San Jose, star-studded!
Robredo, kakampi ng mga taga-Boracay sa pagtutol sa BIDA bill

Tanggapan ni VP Robredo, pinabulaanan ang ‘malisyusong’ paratang ng piloto

May 17, 2022
Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

Susunod na administrasyon, kailangang makalikom ng ₱326 bilyon para bayaran ang utang ng Pilipinas

May 17, 2022
Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

Rabiya Mateo, nagbalik tanaw sa kanyang Miss Universe journey

May 17, 2022
Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

Andrea, mas nastress pa sa laro ni Ricci sa UAAP kaysa ratrat ng bashers

May 17, 2022
Intimate birthday party ni Julie Ann San Jose, star-studded!

Intimate birthday party ni Julie Ann San Jose, star-studded!

May 17, 2022
Lolit Solis, nanawagan sa publiko na ipagdasal si Kris Aquino

Lolit Solis, nanawagan sa publiko na ipagdasal si Kris Aquino

May 17, 2022
Heart, umispluk; lahat ng naka-one-night stand, naging jowa

Heart, umispluk; lahat ng naka-one-night stand, naging jowa

May 17, 2022
15-anyos na dalagita patay, kapatid sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Pangasinan

15-anyos na dalagita patay, kapatid sugatan matapos tamaan ng kidlat sa Pangasinan

May 17, 2022
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Comelec, ibinida ang highest voter turnout ngayong 2022

May 17, 2022
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

DOTr: 13.1M pasahero, naserbisyuhan ng libreng sakay ng MRT-3

May 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.