• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

PCSO: Jackpot prize ng UltraLotto 6/58, papalo na sa ₱235-M!

Balita Online by Balita Online
October 28, 2021
in Balita, National / Metro
0
Lucky bettor sa Parañaque, tumama ng P32-M jackpot sa Lotto 6/42!

(MANILA BULLETIN/FILE PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inaasahang papalo na sa mahigit ₱235 milyon ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 na nakatakdang bolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Biyernes ng gabi, Oktubre 29.

Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Royina Garma, walang nakahula sa six-digit winning combination na 50-12-03-26-28-21 ng UltraLotto 6/58 na binola noong Martes ng gabi, Oktubre 26.

Dahil dito, walang nagwagi sa katumbas nitong jackpot prize na ₱227,573,866.40.

Inaasahan naman ng PCSO na madaragdagan pa ng ₱8 milyon ang naturang jackpot prize sa susunod na bola ngayong Biyernes kaya’t aabot na ito sa tumataginting na mahigit ₱235 milyon.

Samantala, ang jackpot prize ng GrandLotto 6/55 ay inaasahang papalo naman sa ₱85 milyon at nakatakda itong bolahin sa Sabado, Oktubre 30.

Kaugnay nito, hinikayat ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games upang magkaroon ng tiyansa na maging susunod na instant milyonaryo sa lotto.

Malaki rin aniya ang maitutulong ng kanilang pagtaya upang makalikom ang pamahalaan ng pondo para kanilang health programs, medical assistance at services, at charities. 

Mary Ann Santiago

Tags: lottopcsoUltraLotto 6/58
Previous Post

Inaresto sa Cagayan: 51-anyos, ‘gumahasa’ ng 2 anak sa Zambales

Next Post

Gerald Anderson kay Gigi De Lana: ‘Ako ang coach mo’

Next Post
Gerald Anderson kay Gigi De Lana: ‘Ako ang coach mo’

Gerald Anderson kay Gigi De Lana: 'Ako ang coach mo'

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.