• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Chavit, tinawag ang kaibigang si Pacman na ‘hindi ginagamit ang utak’

Richard de Leon by Richard de Leon
October 20, 2021
in Balita Archive
0
Chavit, tinawag ang kaibigang si Pacman na ‘hindi ginagamit ang utak’

Chavit Singson at Manny Pacquiao (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binanatan ni dating Ilocos Sur governor at incumbent Narvacan Mayor Luis ‘Chavit’ Singson ang kaniyang kaibigang si Senador Manny Pacquiao, dahil sa panukala umano nitong mas taasan pa ang excise taxes o buwis na ipapataw sa mga tabako, sigarilyo at alak, o mas kilala bilang ‘sin tax’.

Ayon kay Chavit, hindi umano ginagamit ng senador ang kaniyang utak, dahil tiyak na maaapektuhan umano ang mga magsasaka ng tabako, lalo’t isa ito sa ikinabubuhay ng mga tao sa bandang Norte, partikular sa Ilocos Sur.

“Eh kasi pinasok niya ‘yong issue na ‘yan nang di niya alam ‘yong sinasabi niya. ‘Pag tinaas ‘yong excise tax ng sigarilyo, tumataas ‘yong kita namin sa probinsya. Meaning, in short, nagbebenefit kami ‘pag tinaas. Kaya ‘ka ko, sobra na. Makikinabang kami eh, pero sobra na,” pahayag ni Chavit sa panayam ng isang media outfit.

“Up to now hindi niya maintindihan, ‘yong issue na ‘yan hindi niya maintindihan. Syempre ‘pag tinaas mo ang kita namin, ‘wag mo itaas dahil sobra na, nine times na ang tinaas ng taxes. Kawawa ang industriya, masisira ang industriya kung matutuloy ang tax. Hindi niya maintindihan ‘yon up to now,” dagdag pa niya.

“Hindi ko pinagbigyan ang kumpare ko, nagyabang pa eh mali naman ‘yong yabang niya. So ‘di niya ginagamit ang utak niya masyado.”

Inamin ni Pacquaio noong Biyernes, Oktubre 15, na nagsabi na sa kaniya ang ‘kaibigan’ na hindi na siya nito susuportahan sa kaniyang kandidatura sa pagka-pangulo. Naninindigan naman si PacMan na nasa panig lamang umano siya ng tama at nararapat.

Matatandaang laging kasama si Chavit sa tuwing may laban ito sa ibang bansa. Nitong Agosto, kapansin-pansing hindi kasama ng Pambansang Kamao ang kaibigang Ilocos Sur kingpin, sa kaniyang laban kay Yordenis Ugas.

Hindi pa umano masabi ni Chavit kung kailan sila magkakaayos ni PacMan. Hihintayin na lamang niya umano na matalo ito. Posible naman umano ang reconciliation subalit medyo matatagalan pa.

Tags: Chavit Singsonmanny pacquiao
Previous Post

COVID-19 patients sa PGH, bumaba na rin

Next Post

Aljur, binasag ang katahimikan: si Kylie ang unang nangaliwa?

Next Post
Aljur, binasag ang katahimikan: si Kylie ang unang nangaliwa?

Aljur, binasag ang katahimikan: si Kylie ang unang nangaliwa?

Broom Broom Balita

  • NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas
  • Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang
  • Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023
  • ‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi
  • Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya
Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang

Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang

August 10, 2022
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023

August 10, 2022
‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

August 10, 2022
Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

August 10, 2022
Utang ng Pilipinas, aabot na sa ₱12.09T — BTr

BSP, muling nagbabala vs phishing scam

August 10, 2022
Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

August 10, 2022
‘Pinas, low risk na sa COVID-19 transmission

OCTA: COVID-19 growth rate ng NCR, bumaba sa 5%

August 10, 2022
‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG

‘May wife pa rin naman!’ Mga netizen, kampante pa rin sa pagtanggal ni Heart sa surname ni Chiz sa IG

August 10, 2022
Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’

Darryl Yap, hinamon si Atty. Vince Tañada; ilabas tunay na kinita ng ‘Katips’

August 10, 2022
Arnell Ignacio, itinalaga bilang hepe ng OWWA

Arnell Ignacio, itinalaga bilang hepe ng OWWA

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.