• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

OCTA: Arawang COVID-19 cases sa bansa, posibleng bumaba pa sa 5,000 sa katapusan ng Oktubre

Balita Online by Balita Online
October 17, 2021
in Balita, National / Metro
0
COVID-19 cases sa ‘Pinas, maaaring umabot ng 4M bago matapos ang 2021– UP expert

(MANILA BULLETIN FILE PHOTO)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Posibleng bumaba pa ng mula 5,000 hanggang 6,000 na lamang ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na naitatala kada araw sa bansa pagsapit ng katapusan ng Oktubre.

Ito ay batay sa pagtaya ng independiyenteng grupo ng mga eksperto na OCTA Research Group nitong Linggo.

Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research, tuluy-tuloy ang pagbuti ng mga datos sa COVID-19 sa mga nakalipas na araw dahil hindi na umaabot ng 10,000 ang bilang ng mga bagong kaso.

Aniya, sa ngayon ay nasa 0.64 na lang ang reproduction number sa buong bansa at 8,400 ang seven-day average cases.

“Tuluy-tuloy pa ang pag-improve.  Hopefully tuluy-tuloy pa yan, posibleng umabot pa rin ng 10,000 dahil sa backlog pero temporary lamang ito,” aniya pa, sa panayam sa teleradyo.

“Generally, ang trend natin ay pababa na although may mga lugar pa rin na ngayon pa lang nagkakaroon ng surge o pagtaas ng bilang ng kaso. Pero sa buong Pilipinas ang reproduction number ay 0.64, yung seven-day average naman ay 8,400 na lang, so bumababa siya,” ayon pa kay David.

“Maaaring by the end of October baka nasa 5,000 na lang yan, mga 5,000-6,000, so yan ang gusto nating makita siyempre na bumababa yung bilang ng kaso,” dagdag pa niya.

Samantala, sa National Capital Region (NCR) naman aniya ay patuloy pa rin ang pagbaba ng mga kaso ng sakit.

Aniya, ang seven-day average sa NCR ay nasa 1,681 na lamang ngayon habang ang reproduction number o yaong bilang ng tao na maaaring maihawa ng isang pasyente ng COVID-19 ay nasa 0.58 na lamang.

Batay naman aniya sa datos ng Department of Health (DOH) ay bumababa na rin ang hospital utilization rate, at sa Metro Manila ay nasa 47% na lang ito.

Gayunman, mataas pa rin ang intensive care unit (ICU) utilization rate sa rehiyon, kahit sa mga kalapit na rehiyon gaya ng Calabarzon at Central Luzon.

Ipinagpapalagay naman ni David na ang mas nakahahawang Delta variant ang sanhi ng marami pa ring ICU cases sa ngayon.

Pero paglilinaw niya, maging ang ICU utilization rate ay bumababa na rin sa ngayon.

Simula nitong Sabado, Oktubre 16, ang Metro Manila ay kasalukuyan nang nasa Alert Level 3 mula sa dating Alert Level 4 dahil sa pagbuti ng mga datos ng COVID-19. 

Mary Ann Santiago

Tags: covid-19 casesOCTA
Previous Post

Bagong quarantine facility, itinayo sa Davao Prison and Penal Farm

Next Post

SC, nakatakdang sumailalim sa 3-week decision-writing period

Next Post
Lahat ng hukuman sa NCR, sarado ngayong MECQ

SC, nakatakdang sumailalim sa 3-week decision-writing period

Broom Broom Balita

  • ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa
  • Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’
  • Converge, biniktima ng San Miguel
  • Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas
  • 4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan
ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

ROTC bill, ihahain ulit ni Dela Rosa

June 27, 2022
Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

Duterte sa mga Pinoy: ‘Maraming-maraming salamat’

June 27, 2022
Converge, biniktima ng San Miguel

Converge, biniktima ng San Miguel

June 26, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Covid-19 cases sa PH, lalo pang tumaas

June 26, 2022
4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

4 patay, 1 pa nawawala sa tumaob na fishing boat sa Bataan

June 26, 2022
₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

₱105M illegal drugs, naharang sa Central Visayas

June 26, 2022
Paggamit ng face masks, mahigpit pa ring ipinatutupad sa Baguio City

Paggamit ng face masks, mahigpit pa ring ipinatutupad sa Baguio City

June 26, 2022
Comelec, magrerenta ng karagdagang VCMs para sa 2022 elections

Online reactivation sa mga deactivated voters hanggang July 19 pa– Comelec

June 26, 2022
Balik-kulungan na! De Lima, nakalabas na ng ospital

Balik-kulungan na! De Lima, nakalabas na ng ospital

June 26, 2022
Leon sa amang si Dennis: ‘Is public sympathy really more important than your own children?’

Leon sa amang si Dennis: ‘Is public sympathy really more important than your own children?’

June 26, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.