• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Hinay-hinay sa maluwag na quarantine status

Balita Online by Balita Online
October 16, 2021
in Opinyon, SENTIDO KOMUN
0
Hinay-hinay sa maluwag na quarantine status
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mistulang nakawala sa kural, wika nga, ang ilang sektor ng ating mga kababayan nang ibaba sa alert level 3 — mula sa alert level 4 — ang quarantine status ng National Capital Region (NCR). Mula ngayon, bubuksan na ang mga sinehan, restaurant at iba pang mga establisimiyento na halos hindi napapasok ng sambayanan dahil nga sa matinding banta ng coronavirus na kumitil na ng maraming buhay.

Bagama’t limitado pa rin ang bilang ng taumbayan na makapapasok sa nasabing mga business establishments, sapat na iyon marahil upang magdiwang ang ilang sektor, lalo na yaong matagal ding nagbuhay-bilanggo at ermitanyo sa kani-kanilang mga tahanan; nanatili sila sa gayong kalagayan sa pangambang dapuan ng nakamamatay na COVID-19.

Sa kabiila ng gayong mga pananaw, palibhasa’y minsan nang nagdusa sa quarantine at isolation area, naniniwala ako na hindi dapat magmadali ang ating mga awtoridad sa pagpapaluwag ng mahigpit na health protocol laban sa panganib ng mikrobyo. Bagkus, lalo pang paigtingin upang ganap na maligtas ang ating mga kababayan sa naturang salot. Hanggang ngayon, patuloy pang nananalanta ang nasabing sakit hindi lamang sa ating bansa kundi lalo na sa ibang lugar sa planetang ating ginagalawan. Isipin na lamang na sa United Kingdom, halimbawa, iniulat na 44,000 ang dinapuan ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw. Marahil, bunga ito ng pagwawalang-bahala sa ipanatutupad na health protocol, tulad ng social distancing.

Totoo na kailangan nang magpatupad ng mga bagong reglamento tungo sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa. Masyado nang lugmok ang ating kabuhayan: milyun-milyong kababayan natin ang nawalan ng trabaho at iba pang pagkakakitaan para sa kani-kanilang pamilya. Dahilan marahil ito upang mapilitang makipagsapalaran ang ilang kababayan natin na kung minsan ay humahantong sa malagim na wakas.

Sa kabila ng gayong nakababahalang sitwasyon, marapat lamang na hindi dapat magpadalus-dalos ang mga kinauukulan sa pagpapaluwag ng quarantine status hindi lamang sa NCR kundi sa iba pang panig ng bansa.

Dapat atupagin ng administrasyon — at ng iba pang sektor — ang puspusan at kung maaari ay sapilitang pagbabakuna ng mga mamamayan. Sa gayon, hindi lamang 70 porsyento ng ating populasyong 110 milyon ang dapat matuturukan ng kahit anong uri ng bakuna; magbubunga ito ng ganap at ligtas na health immunity para sa sambayanang Pilipino.

Previous Post

2 lalaki, arestado matapos tangayin ang isang taxi sa sarili nitong driver

Next Post

720k doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula Russia, naihatid sa PH

Next Post
Higit 1K na mga bata na may comorbidities, nakatanggap na  unang dose ng COVID-19 vaccine — DOH

720k doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula Russia, naihatid sa PH

Broom Broom Balita

  • QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC
  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

QCPD official, pinapanagot sa hit-and-run sa QC

August 18, 2022
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.