• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Repa Paluwagan, tinakbuhan ang investors? SEC, nagbabala

Angelo A. Sanchez by Angelo A. Sanchez
October 13, 2021
in Balita, Probinsya
0
Repa Paluwagan, tinakbuhan ang investors? SEC, nagbabala

Larawan: MB file photo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binomba ng reklamo mula sa 50 investors mula sa Davao City ang “Repa” paluwagan, isang diumano unauthorized na grupo na nagpapautang.

Sa interview ng “SunStar” kay Davao City Anti-Scam Unit (ASU) chief Simplicio Sagarino sinabi nito na nakakatanggap ang kanilang opisina ng mga reklamo laban sa Repa mula pa noong Oktubre 1.

Dagdag pa ni Sagarino, mayroong iba’t-ibang administrators ang nasabing paluwagan.

Ayon sa mga report, nagsimula ito limang buwan na ang nakalilipas at tumalon na as iba’t-ibang lugar tulad ng Bukidnon, Cebu, at Bohol.

Sa una ay maayos raw ang paglalabas ng pera at hindi tulad sa “Kapa,” mas malaki sa 20% ang balik ng ipinasok na pera. Kaya naman marami ang na-enganyo na subukan ang paluwagan na ito dahil sa magagandang testimonya.

Ngunit nito lamang, hindi na sila nakakatanggap ng kanilang ‘payout.’ Kaya naman napagpasyahan na ng mga investors na magsampa ng reklamo laban sa grupo.

Samantala, lumagpas na sa 300 na residente sa Bohol ang dumulog sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa lagpas P2 bilyong na perang nawala mula sa Repa.

Pinaiimbestigahan na ni Bohol Gov. Arthur Yap, sa tulong ng Criminal Investigation at CIDG, ang dulog ng mga nagrereklamo laban sa Repa.

Naglabas naman ng abiso ang Securities and Exchange Commission (SEC) Philippines ukol sa Repa matapos ito bombahin ng mga katanungan.

Ayon sa komisyon, hindi sila mag-iissue ng “License to Sell Securities to the Public” sa lahat ng kasali sa tinatawag na ‘Ponzi Scheme’ tulad na lamang sa Repa.

Paalala ng SEC sa publiko, huwag nang mag-invest sa Repa.

“The public is strongly advised NOT TO INVEST or STOP INVESTING in any scheme offered by REPA/REPA PALUWAGAN or such other entities similarly engaged in investment contracts without prior registration from the Commission,” pahayag ng SEC.

Tags: RepaRepa Paluwagan
Previous Post

Vice Ganda: ‘Yung mga totoong public servants, hindi sila yumayaman at hindi sila nagpapayaman’

Next Post

“Kabayan, di na tatakbo; Karen, etsa puwera na?”

Next Post
“Kabayan, di na tatakbo; Karen, etsa puwera na?”

"Kabayan, di na tatakbo; Karen, etsa puwera na?"

Broom Broom Balita

  • 10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od
  • Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?
  • Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa P1,OOO banknote?
  • Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito
  • Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?
Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

May 17, 2022
Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa P1,OOO banknote?

Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa P1,OOO banknote?

May 17, 2022
Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

May 17, 2022
Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

May 17, 2022
Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

May 17, 2022
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.