• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Lolit Solis sa mag-asawang Alex at Mikee: ‘I deeply apologize’

Richard de Leon by Richard de Leon
October 12, 2021
in Showbiz atbp.
0
Lolit Solis sa mag-asawang Alex at Mikee: ‘I deeply apologize’

Lolit Solis, Mikee Morada, at Alex Gonzaga (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa dalawang mahahabang Instagram posts, humingi ng paumanhin ang showbiz columnist at talent manager na si Lolit Solis sa mag-asawang Alex Gonzaga at Mikee Morada, kaugnay sa isyu ng chika niyang nakunan si Alex at ayaw pa itong ibunyag sa publiko, kundi sa vlog na lamang upang mapagkakitaan.

Pumalag naman dito ang mister ni Alex na Lipa City councilor. Diretsahan nitong sinabi sa comment section ng IG post na nasaktan siya sa mga paratang ng showbiz columnist.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/10/lolit-solis-binanatan-ni-mikee-morada-dahil-sa-chismis-nito-na-nakunan-ang-asawang-si-alex-gonzaga/

Nitong Oktubre 12, naglabas na nga ng kaniyang mahabang paghingi ng dispensa si Manay Lolit.

“Salve at Gorgy, gusto ko maging clear sa lahat na never ko ginusto na maka-offend o makasakit ng tao. Isa akong matandang babae, edad 74 going 75, at siguro sa buhay ko dumating na ako sa punto na gusto ko sana walang nagagalit o naiinis sa akin. I feel so lucky that in my long journey in life, mas naging maganda ang buhay ko na ibinigay sa mga taon na iyon. Sabi nga, what is important is the life you put in those years, kesa years in your life,” aniya.

Mikee at Alex Gonzaga-Morada (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

“Sa edad ko lalo na ngayon pandemic na madalas ang lockdown, quarantine, at wala ng mga activities na tulad ng press cons, nag-enjoy ako sa IG. Dahil ayoko lang na ma-idle ang utak ko sa katutulog, at walang ginagawa, naging mental exercise ko na ang IG na ginagawa na ring column ni Salve. Never ever ko nasa isip na may masaktan, ma-offend, o magalit dahil lang sa posting ko sa IG o sa column ko sa PSN at PM.”

“Matanda na ako para magkaroon pa ng kaaway, ayoko din na meron nasasaktan sa isinusulat ko na ginagawa ko lang outlet para ilabas iyong nasa isip ko. If I have offended, o may nasaktan dahil dito, I Am Very SORRY. Hindi iyon at never iyon ang naging intention ko ng isulat at i-post ko iyon. So far, naging mabuti ang propesyon ko sa akin. Lahat ng dreams ko na hindi ko akalain makukuha ko, ibinigay sa akin.

Ayon sa kaniya, anuman ang itawag o ipukol sa kaniyang panlalait ng mga bashers, wala na sa kaniya iyon, lalo na kung hindi naman siya lubos na kakilala, lalo na sa mga tumatawag sa kaniyang tsismosa at mukha siyang pera.

“Forever grateful and thankful sa lahat ng blessings. Duon sa nagsasabi na tsismosa ako, mukhang pera, bobo , I agree. Siguro nga iyon ang binigay kong image sa tao, iyon ang nakita nila. No problem. Dahil ang importante lang sa akin iyon pagmamahal at respeto ng taong kilala ko. Iyon nakasama ko, iyon nakaka usap ko. Keber ako sa mga comments ng tao na hindi ko nakilala, nakausap or nakasama.”

“They can call me names, disrespect me, hate me for all they want, ok lang sa akin. What is important is umabot ako sa edad na ito na hangga ngayon ay nagtataka ako kung bakit marami parin nagri react o apektado ng isang matandang babae na tsismosa, mukhang pera at bobo. Di ba dapat keber na sana sila sa akin ? Hindi ba dapat hindi na lang ako pansinin ? Hindi ba dapat persona non grata na lang ako?”

“Why give me that importance of wasting your energy hating, defaming, and bully a 74 years old woman if no substance? Hindi ko talaga makuha ang logic. Ako si Lolita Solis na gusto ko lang magkaroon ng mental exercise by writing, I enjoy IG, I enjoy reading your comments, puwede kaya na pag binasa n’yo ang anuman isinulat o IG ko, can you please don’t put malice dito?”

Dito na humingi ng paumanhin si Manay Lolit sa mag-asawang Alex at Mikee. Na-appreciate umano ng showbiz columnist ang marespeto pa ring paninita sa kaniya ni Mikee, pero ipinaliwanag niya na hindi masama ang kaniyang motibo, at kung nasaktan man ito sa mga nasabi niya, dispensa ang hiling niya.

“Wala akong intention to hurt or cause pain. So SORRY if ito ang naging dating kay Alex Gonzaga at sa kanyang asawa. I will honestly say na I appreciate the very respectful comment of Alex Gonzaga husband. Hindi iyon ang motibo ko, hindi iyon ang gusto ko. If I have offended and hurt you, I deeply apologize. I understand what you mean na very trying ang experience na ito para sa inyong mag-asawa.”

Lolit Solis on Maja Salvador: 'Nasilaw sa laki ng TF!' – Manila Bulletin
Lolit Solis (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Samantala, as of this writing ay wala pang tugon ang mag-asawa kung tinatanggap ba nila ang paghingi ng paumanhin ni Manay Lolit.

Tags: Alex GonzagaapologyLolit SolisMikee Morada
Previous Post

Karen Davila, literal ang ‘turning a new leaf’ sa pagbabalik-TV Patrol

Next Post

Malabon City, sinimulan na ang pre-registration para sa COVID-19 vaccination ng mga menor de edad

Next Post
FDA, inaprubahan ang emergency use ng Moderna vaccines para sa edad 12 hanggang 17

Malabon City, sinimulan na ang pre-registration para sa COVID-19 vaccination ng mga menor de edad

Broom Broom Balita

  • Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union
  • Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20
  • Special Covid-19 vax initiative sa BARMM, nagpapatuloy
  • PNP-Pasig nasabat ang isang high-value drug suspect, higit P1-M halaga ng shabu
  • Naging 246 na! Covid-19 cases sa Pinas nitong Mayo 21, biglang tumaas
Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union

Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union

May 21, 2022
Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20

Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20

May 21, 2022
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Special Covid-19 vax initiative sa BARMM, nagpapatuloy

May 21, 2022
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

PNP-Pasig nasabat ang isang high-value drug suspect, higit P1-M halaga ng shabu

May 21, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Naging 246 na! Covid-19 cases sa Pinas nitong Mayo 21, biglang tumaas

May 21, 2022

2 Korean fugitives, naaresto sa Las Piñas

May 21, 2022
Agot Isidro, inalala ang kabaitan ng kanyang ‘Tita Su’

Agot Isidro, inalala ang kabaitan ng kanyang ‘Tita Su’

May 21, 2022
Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

May 21, 2022
Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

May 21, 2022
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Overall accuracy rate ng preliminary RMA, nasa 99.9% — Comelec

May 21, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.