• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

3 magkakapatid patay sa landslide sa Benguet, 4 nawawala sa Baguio

Balita Online by Balita Online
October 12, 2021
in Balita, Probinsya
0
3 magkakapatid patay sa landslide sa Benguet, 4 nawawala sa Baguio
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

BAGUIO CITY – Tatlong magkakapatid ang namatay matapos matabunan ng gumuhong bundok sa gilid ng kanilang kinatitirikan ng bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin ng bagyong Maring noong Lunes ng gabi sa Sitio Ubbog, Central Ambiong La Trinidad, Benguet.

Ayon sa ulat, ang mga biktima na 2-anyos na babae; 6-anyos na babae at 8-anyos na lalaki kasama ang magulang ay naghahapunan sa loob ng kanilang bahay na gawa sa light materials nang mag-landslide at natabunan ang bahay dakong alas 8:00 ng gabi.

Dahil sa malawakang brownout at mabagal na signal ay mahigit sa isang oras bago nakapag-responde ang  Municipal Disaster Risk Reduction and Management.

Ang tatlong magkakapatid ay agad na isinugod sa ospital, subalit idineklara ang mga ito na dead on arrival. Ang mag-asawang Stephanie at Romnick Teligo ay nakaligtas sa trahedya.

Ayon kay Mayor Romeo Salda, ang pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng bagyong Maring ay isa sa naitalang “heaviest record” na nagpabaha sa maraming barangay sa valley.

Samantala, sa Baguio City, apat na katao, kabilang ang 56-anyos na lolo at dalawa nitong apo na edad 12 at 4, ang iniulat na nawawala pa ngayon habang isinasagawa ang search and rescue operation matapos ma-landslide ang kanilang bahay dakong 7:30 ng gabi ng Lunes sa Marosan Alley, Barangay Dominican Mirador.

Ayon sa ulat, ang biktima ay na-trapped sa natabunang bahay dakong alas 7:30 ng gabi, pero dahil sa brownout at kawalan ng komunikasyon ay naiulat ito dakong 9:30 na ng gabi.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, kasalukuyang isinasagawa ang search operation gamit ang bagong life detector.

As of 5:30 a.m ngayong Martes, 12 pamilya na kinabibilangan ng 56 indibidwal mula binahang City Camp Central Happy Homes Old Lucban at Irisan ang nasa evacuation center ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.  Iniulat ng CDRRMC operation center ang 10 landslide/soil erosion incidents, 5 flooding incidents, 4 fallen/leaning trees/posts at 1 damage to property sa lungsod.

Nag-isyu din si Magalong ng Executive Order #130 para isuspinde ngayong Martes ang lahat ng trabaho sa public offices at mga klase dahil sa patuloy ba pag-ulan at malakas na hangin habang papalabas ng bansa ang bagyong Maring.

Zaldy Comanda

Tags: baguioBagyong Maringbenguet
Previous Post

2 magsasaka, pinagbabaril sa Nueva Ecija

Next Post

BF material! Ano nga ba ang kayang gawin ni Paulo Avelino sa ‘special someone’ niya?

Next Post
BF material! Ano nga ba ang kayang gawin ni Paulo Avelino sa ‘special someone’ niya?

BF material! Ano nga ba ang kayang gawin ni Paulo Avelino sa 'special someone' niya?

Broom Broom Balita

  • 46 nailigtas sa lumubog na bangka sa Palawan
  • ₱25M marijuana, sinunog sa Kalinga, Benguet — PNP
  • Mga nasawi dahil sa sama ng panahon, umabot na sa 43
  • Johnny Abarrientos, pagmumultahin: Pag-‘dirty finger’ kay Converge import Jamaal Franklin, nag-viral
  • DA, inaprubahan ang ₱110 milyong pondo para sa rubber plantations sa Basilan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.