• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Roque, ‘no hard feelings’ kay Sara sa hindi nito pagtakbo bilang presidente

Balita Online by Balita Online
October 11, 2021
in Balita, National / Metro
0
Roque, ‘no hard feelings’ kay Sara sa hindi nito pagtakbo bilang presidente

Presidential Spokesperson Harry Roque and Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (File photos/ MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang ‘hard feelings’ kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa desisyon nitong hindi tumakbo bilang presidente sa May 2022 elections.

Sa kanyang press briefing nitong Lunes, Oktubre 11, sinabi ni Roque na alam na niyang tatakbo si Duterte-Carpio para sa ikatlong termino bilang alkalde ng Davao sa eleksyon sa susunod na taon.

“Sinabi talaga sa akin ni Mayor Sara noong ako’y nakipag-usap sa kanya na mayor ang kanyang takbo. That was when my heart was broken dahil I wanted her to run for president,” aniya.

Nais ni Roque na tumakbo bilang Senador. Gayunman, nauna niyang sinabi na tatakbo lamang siya sa Senado kung tatakbo ang presidential daughter bilang pangulo.

Natapos na noong Oktubre 8 ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2022 poll aspirants. Sa parehong araw, kinumpirma ni Roque na hindi na siya tatakbo bilang senador.

“So sa akin po, alam ko na po ang desisyon. I was still praying and hoping na magbabago pero wala pong dahilan para sumama ang aking loob,”

 “Hindi sumama ang loob ko. Bakit po? Pero syempre umaasa tayo na baka magbago ang isip, pero hindi na nagbago,” dagdag pa niya. “Wala pong samaan ng loob. Talagang desisyon naman po yan ng kandidato.”

Gayunman, maaari pang maging presidential bet si Duterte-Carpio kung magpapasya siyang maging substitute sa isang kandidato na naghain ng COC. 

Ngunit tinuldukan na ng alkalde ang senaryong ito.

Nitong Oktubre 9, nagpositibo sa COVID-19 si Mayor Sara.

“Ang mensahe po natin kay Mayor Sara at ang kanyang pamilya, please keep safe and get well soon,” ani Roque.

Ellson Quismorio

Tags: Presidential Spokesman Harry RoqueSara Duterte-Carpio
Previous Post

Malacañang, sumang-ayon kay F. Sionil Jose; hindi sampal sa gobyerno ang pagkapanalo ni Ressa

Next Post

‘Pinas, nakapagtala ng 8,292 bagong kaso ng COVID-19

Next Post
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

'Pinas, nakapagtala ng 8,292 bagong kaso ng COVID-19

Broom Broom Balita

  • Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz
  • Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU
  • 103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH
  • Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh
  • Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’
Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

Trabaho sa Senado, tututukan: Senator Padilla, titigil na sa showbiz

May 19, 2022
Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

Dating OFW na kilala nang word-renowned maniniyot ngayon, umani ng master’s degree sa NYU

May 18, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

103 Covid-19 cases sa PH, naitala nitong Mayo 18 — DOH

May 18, 2022
Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

Malacañang, kumpiyansa sa pagtalaga kay SC Associate Justice Singh

May 18, 2022
Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

Publiko, hinimok na mag-move on na matapos iproklama ang ‘Magic 12’

May 18, 2022
Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

Hontiveros, pinalakpakan ng PPCRV volunteers sa naganap na proklamasyon: ‘Tuloy ang laban’

May 18, 2022
DOH, maari pa ring managot ukol sa P67-B fund deficiency –Escudero

Chiz Escudero, umapela ng ‘healing’ sa mga Pilipino para sa kapakanan ng bansa

May 18, 2022
2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

2nd booster shots, available na rin sa seniors, frontline health workers

May 18, 2022
500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

500 estudyante sa Las Piñas, nabakunahan vs cervix cancer

May 18, 2022
Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

Guimaras, binawi na ang pag-require ng vax card sa mga biyahero mula W. Visayas

May 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.