• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp.

Raffy hinggil sa anunsyo ni Willie: ‘Hindi ko alam kung bakit siya umatras’

Richard de Leon by Richard de Leon
October 11, 2021
in Showbiz atbp.
0
Raffy hinggil sa anunsyo ni Willie: ‘Hindi ko alam kung bakit siya umatras’

Raffy Tulfo at Willie Revillame (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tila nanghihinayang ang journalist at ngayon ay senatorial candidate na si Raffy Tulfo sa balitang pag-atras ni ‘Wowowin’ TV host Willie Revillame sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo itong senador sa darating na halalan 2022 dahil sa potensyal nitong makatulong sa mas nakararami.

Noong Huwebes, Oktubre 7, binasag na nga ni Willie ang kaniyang katahimikan hinggil sa palaisipan ng publiko, kung tuluyan na ba niyang bibitiwan ang kaniyang Kapuso show na ‘Wowowin: Tutok To Win’ at pumalaot na nga sa mundo ng politika. Ayon mismo sa kaniya, hindi niya nakikita ang sariling nakikipagbangayan, nakikipagpataasan ng ihi, at gumagawa ng batas dahil hindi naman umano siya nakatapos ng pag-aaral. Baka lamang masayang umano ang boto ng taumbayan, kung sakali mang manalo siya.

“Sa araw pong ito, tuluy-tuloy pa rin ang Wowowin. Hindi ko po kailangan kumandidato. Hindi ko po kailangan manalo,” isa sa mga tumatak na pahayag ng TV host.

“Hindi ko alam kung bakit siya umatras,” reaksyon naman ni Raffy nang usisain ng press sa naging pasya ni Willie, sa isang media conference na ginanap para sa kaniya nitong Oktubre 9 sa isang restaurant sa Morato Avenue, Quezon City.

Ayaw umano niyang magbigay ng espekulasyon kung ano ang tunay na dahilan kung bakit umano umatras si Willie sa laban. Ang alam lamang niya ay kagaya niya itong matulungin sa mga hikahos na kababayan.

“Mataas ang pagrespeto sa kanya ng mga naghihikahos nating kababayan,” ani Raffy.

“And ako rin mismo, nakita ko rin yung kaniyang career kung paano siya umakyat mula sa napakababang simpleng tao hanggang sa naging bilyonaryo at sikat na celebrity dahil sa kanyang pagkakaroon ng ginintuang puso sa pagtulong sa mga maliliit nating kababayan.”

Noong Oktubre 2, 2021, pormal na naghain si Raffy ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections, at tuluyan na nga umanong bibitiwan ang kaniyang mga programa sa TV5, lalo’t nasa News Department siya.

Tags: Raffy Tulfosenate racewillie revillameWowowin
Previous Post

‘Maring’ posibleng mag-landfall sa Cagayan — PAGASA

Next Post

Barbie Imperial, may malaki nga bang ‘na-catch’ kay Diego Loyzaga?

Next Post
Barbie Imperial, may malaki nga bang ‘na-catch’ kay Diego Loyzaga?

Barbie Imperial, may malaki nga bang 'na-catch' kay Diego Loyzaga?

Broom Broom Balita

  • PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela
  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
  • PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City
PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

PAGASA, inirekomenda ang muling pagpapairal ng rain, water-level gauges sa Isabela

August 18, 2022
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.