SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Isang pulis na naka-confine sa ospital dahil sa coronavirus disease (COVID-19) ang nasawi matapos aksidente nitong mabaril ang sarili, umaga ng Linggo, Oktubre 10.
Kinilala ni city police chief Lt. Col. Criselda de Guzman ang nasawing pulis na si S/Sgt. Reynante Menia, 43, residente ng Zone 1, Barangay Villa Joson sa bayan ng Rizal kung saan din ito nakadestino.
Na-admit si Menia nitong Oktubre 8 sa Ospital ng Lungsod ng San Jose matapos magpositibo sa COVID-19.
“Menia died on the spot after he accidentally shot himself, while cleaning his caliber 9mm Pietro Beretta pistol which he regularly does,” sabi ng mga imbestigador.
Mismong asawa ni Menia ang humingi ng tulong sa mga nurse nang marinig ang putok ng baril.
“The lifeless body of the victim was then found with a gunshot wound on his head,” dagdag ng pulisya.
“The victim’s caliber 9mm Pietro Beretta pistol with SN N64539Z has a chamber loaded with an inserted magazine containing eight cartridges of 9mm, a deformed slug, and an empty shell for the said handgun,” dagdag nito.
Philippine News Agency