Sapat umano ang imbakan ng Pilipinas para sa mga dumarating na bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang tiniyak ni National Task Force against Covid-19 chief implementer Carlito Galvez, Jr. matapos dumating sa bansa ang 1,363,300 doses ng Moderna vaccine mula sa Amerika nitong Sabado ng hapon.
“Yes meron tayong… nagkaroon na tayo ng inventory ng storage freezer [with] negative 70 and 80, meron tayong total na 28 to 30 million storage,” paglilinaw ni Galvez.
“Kayang kaya po natin ‘yun, may storage capacity po tayo,” paglilinaw ni Galvez.
Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Department of Health (DOH) sa mga rehiyon, probinsya, at munisipalidad upang madaliin ang kanilang pagbabakuna para hindi masayang ang mga bakuna.
PNA