• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Kabayang Noli De Castro, nagpaalam na rin sa TV Patrol; ABS-CBN, naglabas ng opisyal na pahayag

Richard de Leon by Richard de Leon
October 7, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Kabayang Noli De Castro, nagpaalam na rin sa TV Patrol; ABS-CBN, naglabas ng opisyal na pahayag

Kabayan Noli De Castro (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Namaalam na rin bilang news anchor ang isa sa mga ‘haligi’ ng TV Patrol, ang flagship newscast ng ABS-CBN sa napakahabang panahon, na si Kabayan Noli De Castro, nitong Huwebes, Oktubre 7, 2021.

Statement of ABS-CBN News on Noli 'Kabayan' De Castro – Manila Bulletin
Kabayan Noli De Castro (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Nauna na siyang nagpaalam sa kaniyang morning program na ‘TeleRadyo’ dahil sa kaniyang intensyong tumakbo sa halalan 2022 bilang senador, sa ilalim ng tiket ni Manila City Mayor Isko ‘Moreno’ Domagoso. Nanumpa na siya sa Aksyon Demoktratiko.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/07/noli-de-castro-tatakbong-senador-nagpaalam-na-sa-teleradyo/

Nagpaalam siya sa mga Kapamilya fans na patuloy na sumusubaybay sa kaniya magmula noong bumalik ang operasyon ng ABS-CBN matapos ang EDSA People Power I.

Naging senador siya noong 2001 hanggang 2004 at naging pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 2004 hanggang 2010.

Matapos ang kaniyang political career ay bumalik siya sa TV Patrol bilang isa sa mga pangunahing news anchor nito. Makalipas ang halos isang dekada, nagdesisyon siyang bumalik sa politika upang mas mapalawak umano ang kaniyang serbisyo-publiko.

Wala pang opisyal na pahayag ang ABS-CBN News and Current Affairs kung sino ang opisyal na papalit kay Kabayan, bagama’t naglabas na sila ng opisyal na pahayag hinggil sa desisyon nito.

“Our Kapamilya, Noli ‘Kabayan’ De Castro has informed ABS-CBN of his plan to run for public office in the coming 2022 national elections.

“In adherence to our company policy, Kabayan will move on from his anchor duties in ‘TV Patrol’, ‘Kabayan’, and ‘TeleRadyo Balita’ once he formally files his certificate of candidacy.

“We thank Kabayan for his decades of service in ABS-CBN News, where he led iconic shows and spearheaded public service efforts while also serving as a mentor to generations of broadcast journalists in the organization.”

“‘TV Patrol’ has endured because of the solid foundation he and the team of ABS-CBN News journalists have built on over the years – a process that will continue as we evolve and thrive during these changing times.”

Larawan mula sa FB/ABS-CBN News

Ngayong Oktubre, dalawa na ang umalis at nagpaalam sa TV Patrol. Noong Oktubre 1, pormal na nagpaalam ang kanilang resident weather forecaster at trivia master na si Kuya Kim Atienza, na lumipat naman sa GMA Network. Ang ikalawa nga ay si Kabayan para sa kaniyang pagtakbo bilang senador.

Tags: ABS-CBNKabayanNoli de Castropolitical comebacksenateTV Patrol
Previous Post

Willie Revillame, hindi tatakbo sa senado: ‘Hindi ko po kailangang kumandidato’

Next Post

Kaunti lang? 6,702 turista, namasyal sa Boracay nitong Setyembre — DOT

Next Post
Kaunti lang? 6,702 turista, namasyal sa Boracay nitong Setyembre — DOT

Kaunti lang? 6,702 turista, namasyal sa Boracay nitong Setyembre -- DOT

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.