• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Naluluging magsasaka, inaayudahan ng gobyerno

Balita Online by Balita Online
October 6, 2021
in Opinyon, SENTIDO KOMUN
0
Matinong pulitiko, mahirap hanapin?
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasabay ng pananalanta ng nakamamatay na coronavirus na masyado nang nagpahirap sa sangkatauhan mula sa iba’t ibang panig ng daigdig, matindi ring problema ang gumigiyagis ngayon sa ating mga magsasaka; binabarat o binibili sa napakababang presyo ang kanilang mga inaning palay na sinasabing kagagawan ng ilang mapanlamang na rice traders.

Sa gayong sitwasyon, hindi nababawi ng mga magbubukid ang malaki-laki rin namang production costs na inilalaan nila sa pagpapalago ng ani. Idagdag pa rito ang iba pang gastos sa preparasyon ng mga bukirin na tulad ng upang-tanim, upang-giik, upang-hakot at iba pa. Dahil sa halos wala nang kinikita sa pagsasaka, may pagkakataon na binabalak na nilang iwanan ang mga bukirin upang humanap ng higit na kapaki-pakinabang na pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

Hindi matatawaran ang malaking pakinabang natin sa ating mga kababayang magsasaka. Sila ang malimit ituring na mga gulugod ng bansa o backbone of the nation na nakatutulong nang malaki sa pagpapaangat ng ating ekonomiya; ang malaking kantidad ng kanilang inaani — lalo ang mga magbubukid mula sa mga lalawigang mataas pag-anihan ng palay — ay nagpapalaki sa ating buffer stock na pantugon sa kakulangan ng pagkain sa panahon ng kagipitan.

Mabuti na lamang at ang gayong pasanin ng mga magsasaka ay pinagaan ng magkatuwang na pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) at ng National Food Authority (NFA). Sila ang bibili ng mga aning palay upang matiyak ang resonableng presyo para sa kapakinabangan ng mga magbubukid. Magiging katuwang din sa ganitong pagsisikap ang mga local government units (LGUs) at ang mismong mga multi-purpose cooperatives na mga magsasaka mula sa tinatawag na top-rice producing areas.

Sa aking pagkakatanda, magiging katuwang din dito ang mga lalawigan na maituturing na mga rice granary ng ating bansa — mga lalawigan na malakas pag-anihan ng palay. Ang lalawigan ng Nueva Ecija, halimbawa, ay naglaan ng P2 bilyong pondo upang ipambili ng palay sa aming lalawigan; agri loan mula sa Development Bank of the Philippines (DBP). Sinasabi na maging ang lalawigan ng Isabela at iba pang lugar sa Central Luzon ay naglaan din ng gayong halaga upang mabiling lahat, hangga’t maaari, ang ani ng ating mga kababayang magsasaka upang matiyak ang kanilang pakinabang at hindi malamangan ng mga rice traders.

Bukod sa gayong mga pagsaklolo sa ating mga magbubukid, hindi dapat mag-atubili ang kinauukulang mga ahensya sa pag-ayuda sa naturang sektor ng agrikultura upang lalo pang umunlad ang pagsasaka sa ating bansa.

Previous Post

Ex-Senator Marcos, nagsumite na ng COC sa pagka-pangulo

Next Post

Kantang ‘My Universe’ ng Coldplay, BTS, nag-debut bilang #1 sa Billboard Hot 100

Next Post

Kantang ‘My Universe’ ng Coldplay, BTS, nag-debut bilang #1 sa Billboard Hot 100

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.