• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Joshua Garcia, magiging love interest ni Darna? Sino ang magiging Valentina?

Richard de Leon by Richard de Leon
October 6, 2021
in Balita Archive
0
Joshua Garcia, magiging love interest ni Darna? Sino ang magiging Valentina?

Joshua Garcia at Jane De Leon (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia ang magiging leading man ni Jane De Leon sa ‘Darna: The TV Series’ matapos ang cast reveal na isinagawa nitong Oktubre 5, 2021, bagama’t sapantaha lamang ito ng mga kapamilya fans.

Bukod kay Jane bilang Darna, dalawa pa lamang sa mga cast members ang may malinaw na papel sa iconic TV series: si Iza Calzado na gaganap bilang lumang Darna na siyang magpapasa sa karakter ni Jane ng bato, at si Zaijan Jaranilla na gaganap bilang ‘makabagong Ding’ na inilarawan bilang techie at social media savvy.

Ngunit palaisipan pa rin sa mga tao kung sino nga ba ang gaganap bilang Valentina, ang babaeng ahas na makakalaban ni Darna.

Maraming netizens ang nagmumungkahi na sana raw ay mas may edad kay Jane, o kaya naman ay batikang aktres. Lumutang ang pangalan nina Anne Curtis, Ivana Alawi, Denise Laurel, at Nadine Lustre. May nagsasabi ring bagay rin ito sa bagong Kapamilya na si Lovi Poe.

Ann Curtis, Nadine Lustre, Denise Laurel, at Ivana Alawi (Larawan mula sa Manila Bulletin)
Julia Barretto, Heaven Peralejo, Yen Santos, at Lovi Poe (Larawan mula sa Manila Bulletin)

May mga ‘pasaway’ namang netizens na pabirong nagsabing bakit hindi si Julia Barretto, Heaven Peralejo, o Yen Santos ang kunin bilang Valentina.

Hindi rin sigurado kung magkakaroon pa nga ng karakter na Valentina, dahil noong si Jerrold Tarog pa sana ang magdidirek nito, iniisip na kunin si Christopher de Leon para gumanap na masamang siyentipiko na siyang magpapakalat ng kasamaan sa Madlang Pipol. Ngayong si Chito S. Roño na ang direktor nito, kung magkakaroon man daw ng Valentina ay titiyakin niyang malakas ang dating at personalidad nito.

Sa bersyon ng GMA Network dito noong 2005 kung saan si Angel Locsin ang Darna, ang gumanap na Valentina ay si Alessandra de Rossi.

Noong 2009 naman kung saan si Marian Rivera ang Darna, si Iwa Moto ang gumanap na Valentina.

Sa pelikula, ang mga tumatak na Valentina ay sina Pilita Corales at Cherie Gil.

Tags: darnaJane de LeonJoshua GarciaValentina
Previous Post

Target ang Senado: ‘Bistek’ tatakbo na rin

Next Post

PH team, sasabak sa Asian Men’s Club Volleyball championship sa Thailand

Next Post
PH team, sasabak sa Asian Men’s Club Volleyball championship sa Thailand

PH team, sasabak sa Asian Men's Club Volleyball championship sa Thailand

Broom Broom Balita

  • Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union
  • Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20
  • Special Covid-19 vax initiative sa BARMM, nagpapatuloy
  • PNP-Pasig nasabat ang isang high-value drug suspect, higit P1-M halaga ng shabu
  • Naging 246 na! Covid-19 cases sa Pinas nitong Mayo 21, biglang tumaas
Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union

Vegetable vendor, patay sa pamamaril sa La Union

May 21, 2022
Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20

Libre lang: MRT-3, nakapagsakay ng mahigit 351K pasahero nitong Mayo 20

May 21, 2022
Pamamahagi ng booster shots, mabagal na ipinatutupad sa PH — NTF adviser

Special Covid-19 vax initiative sa BARMM, nagpapatuloy

May 21, 2022
P272K halaga ng binebentang shabu, nasawata sa isang drug operation sa Bulacan

PNP-Pasig nasabat ang isang high-value drug suspect, higit P1-M halaga ng shabu

May 21, 2022
Daily average cases ng Covid-19, ‘di na umaabot sa 400

Naging 246 na! Covid-19 cases sa Pinas nitong Mayo 21, biglang tumaas

May 21, 2022

2 Korean fugitives, naaresto sa Las Piñas

May 21, 2022
Agot Isidro, inalala ang kabaitan ng kanyang ‘Tita Su’

Agot Isidro, inalala ang kabaitan ng kanyang ‘Tita Su’

May 21, 2022
Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

Chito Miranda, bakit nagdalawang-isip maging hurado ng Idol Philippines?

May 21, 2022
Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

Kahit may banta ng monkeypox: ‘Pagsasara ng borders ng PH, ‘di na dapat gawin’– NTF

May 21, 2022
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Overall accuracy rate ng preliminary RMA, nasa 99.9% — Comelec

May 21, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.