• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Duterte, hindi na nga ba tatakbo sa 2022 elections?

Balita Online by Balita Online
October 6, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Pilipinas, matulungin at maawain sa mga refugee
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Inanunsiyo ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) nitong Sabado na siya ay magreretiro na sa pulitika. Nangangahulugan na hindi na siya tatakbo bilang kandidato ng PDP-Laban Cusi wing sa pagka-pangalawang pangulo.

Ginawa ni PRRD ang pahayag nang samahan niya si Senator Christopher “Bong” Go sa paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa Sofitel Hotel, Pasay City sa pagka-pangalawang pangulo. Sa pagtalikod sa vice presidency, sinabi ni Duterte na nais niyang sundin ang “overwhelming sentiment of the Filipino people”. Susuportahan na lang daw niya ang matapat na aide na si Go bilang vice presidential bet ng PDP-Laban.

Samantala, ilang minuto lang matapos ihayag ng kanyang ama na siya ay mamamahinga na sa pulitika, nagtungo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Commission on Elections (Comelec) office sa lungsod para mag-file ng kandidatura (reelection) bilang alkalde.

Halos nakasabay sa paghahain ng kanyang reelection bid sa Davao City ang paghahain din ng COC ni Go bilang vice president sa Sofitel Plaza Hotel sa Pasay City.  Gayunman, sinabi ng mga eksperto sa larangan ng pulitika na may panahon pa si Duterte-Carpio na iurong ang kanyang reelection bid para tumakbo sa pagka-pangulo dahil ang huling araw ng paghahain ng COC ay sa Oktubre 8 pa.

Maging si PRRD ay naghain ng kanyang reelection bilang Davao City Mayor noon, bago nangyari ang substitution o pagpapalit noong Nobyembre 2015 at siya’y tumakbo sa presidency na kanyang pinagwagian noong May 2016.

Si Duterte-Carpio ay nakatakdang mag-medical leave at lilipad umano sa Singapore sa Oktubre 5-8. Tumanggi si Inday Sara sa tanong ng media tungkol sa reaksyon sa pagreretiro ng ama sa pulitika at ang pagtakbo ni Go sa vice presidency. Sa pag-atras ni PRRD, puwede nang tumakbo si Inday Sara sa presidency dahil isa na lamang sa Duterte ang tatakbo sa pambansang posisyon.

Sa kabilang dako, isang co-convenor ng 1Sambayan ang nag-anunsyo na tinanggap ni Vice President Leni Robredo ang nominasyon ng koalisyon para maging kandidato sa pagka-pangulo sa May 2022 elections.

Wala pang opisyal na announcement na ipinalalabas ang Office of the Vice President (OVP), pero sinabi ni dating Education Secretary Bro. Armand Luistro, 1Sambayan convenor,  na ihahayag ni VP Leni ang kanyang presidential bid bago dumating ang huling araw ng paghahain ng COC sa Oktubre 8.

Ayon kay Luistro, maghahain si Robredo ng COC sa panguluhan sa Oktubre 5, ang petsa rin nang maghain siya ng COC bilang vice president noong 2016 elections. Siya ay nanalo versus ex-Senator Bongbong Marcos.

Nang makausap ko ang dalawang kaibigan habang nagkakape sa Al Fresco, sinabi nilang may duda pa rin sila kung talagang tototohanin ni PRRD ang pagreretiro sa pulitika. Noon daw 2016 elections, matindi ang pagtanggi niyang kumandidato, pero sa bandang huli tumakbo siya at pinalitan si Martin Dino sa slot nito sa pagka-pangulo. Si Dino ngayon ay DILG Undersecretary for Barangay Affairs.

Mga kaibigan, ibig ba ninyong sabihin eh walang isang salita ang ating Pangulo? 

Previous Post

AJ Raval, umaming ‘kilig-pechay’ kay Aljur: ‘We care for each other’

Next Post

VIRAL: Raffy Tulfo, pinupukol ng isyu ng mga netizens: pinabayaan na nga ba ang unang pamilya?

Next Post
VIRAL: Raffy Tulfo, pinupukol ng isyu ng mga netizens: pinabayaan na nga ba ang unang pamilya?

VIRAL: Raffy Tulfo, pinupukol ng isyu ng mga netizens: pinabayaan na nga ba ang unang pamilya?

Broom Broom Balita

  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
  • Meralco at SPPC, lumagda ng 300-MW emergency power supply deal
  • Parañaque, makararanas ng pagkaantala sa serbisyo ng kuryente mula Marso 30-31
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.