• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Goyo’ vs ‘Goma’ sa congressional race sa Leyte

Balita Online by Balita Online
October 4, 2021
in Balita, National / Metro
0
‘Goyo’ vs ‘Goma’ sa congressional race sa Leyte
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

TACLOBAN CITY– Mukhang magiging labanan ng political clans sa fourth district ng Leyte sa darating na May 2022 elections dahil naghain din ng certificate of candidacy sa pagka-kongresista si dating Commission on Elections Commissioner Gregorio Larrazabal nitong Lunes, Oktubre 4.

Tatakbo si Larrazabal laban kay Ormoc City Mayor Richard Gomez sa kaparehong posisyon dahil papalitan niya ang kanyang asawa na si Rep. Lucy Torres-Gomez na tatakbo naman bilang mayor ng Ormoc.

Naniniwala si Larrazabal na ang kanyang karanasan sa gobyerno ay makatutulong sa pag-angat ng nasabing distrito at maisusulong pa nito ang iminungkahi niyang batas tulad ng revision of the Omnibus Election Code.

“Running for the district will help me address local issues and tackle national issues,” pagbabahagi niya.

Tatakbo si ‘Goyo’ sa ilalim ng People’s Reform Party, National People’s Coalition, at Probinsya Muna Development Initiative.

Ayon sa isang source, kasama sa lineup ni Larrazabal si dating Ormoc City Mayor Edward Codilla na natalo ni Gomez noong 2016 elections, at dating Mayor Rowena Codilla ng Kananga, Leyte na siya namang natalo ni Mayor Matt Torres, kapatid ni Lucy, noong 2019.

“We spoke with the Codillas and we believe that we can effect change to make things better,” dagdag pa niya.

Si Gomez naman ay tatakbo sa ilalim ng ruling party ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan.

Marie Tonette Marticio

Tags: gomaGoyoGregorio Larrazabalrichard gomez
Previous Post

Testimonya ni Mago na ‘pinerahan’ ng Pharmally ang gov’t, binawi

Next Post

Kantang ‘Mapa’ ng SB19, umabot na sa 50M streams sa Youtube

Next Post
Kantang ‘Mapa’ ng SB19, umabot na sa 50M streams sa Youtube

Kantang ‘Mapa’ ng SB19, umabot na sa 50M streams sa Youtube

Broom Broom Balita

  • Matapos lang ang 3 araw, MV ng pre-debut single ng Hori7on, tumabo na ng higit 2.2M views
  • Graduating student sa Samar State U, naiulat na nawawala
  • 3 lugar sa bansa, nagtala ng mapanganib na antas ng heat index nitong Sabado
  • Mananaya, bokya sa lotto jackpot ng PCSO ngayong Sabado
  • Wow! Vicki Belo, dinala ang ‘dream come true’ concert ni David Foster sa kaniyang bahay
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.