• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Jinggoy Estrada, naghain ng COC sa pagka-senador

Balita Online by Balita Online
October 3, 2021
in Balita, National / Metro
0
Jinggoy Estrada, naghain ng COC sa pagka-senador

(Comelec)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Naghain na rin ng kanyang kandidatura sa pagka-senador si dating Senador Jose “Jinggoy” Estrada nitong Linggo, na siyang ikatlong araw nang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa May 9, 2022 national and local elections.

Dahil dito, inaasahang magkakaharap muli sa eleksyon si Estrada at ang kanyang half brother na si dating Senador JV Ejercito, na naghain na rin ng kanyang COC sa pagka-senador nitong Sabado, sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

“Dalawang termino po tayong nanilbihan bilang senador. Doon sa labindalawang taon kong pamamalagi sa senado, nabansagan tayong isa sa pinakamasipag, ika nga one of the most prolific senators nung panahon ko,” ani Jinggoy.

“Tayo nakapagtala ng kulang-kulang 600 na batas. Halos lahat sa naiakda nating bills ay naisabatas na,” dagdag pa niya.

Si Estrada, na nahaharap pa sa P183-milyong plunder case dahil sa tinaguriang ‘pork barrel scam,’ ay tatakbo sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP), na siyang partido ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Huli siyang nagsilbi sa pagka-senador sa loob ng dalawang termino mula 2004 hanggang 2016.

Matatandaang dati na ring nagharap sa senatorial race ang magkapatid noong 2019 ngunit kapwa sila bigong makapuwesto sa Senado. 

Mary Ann Santiago

Tags: Eleksyon 2022Halalan 2022jinggoy estrada
Previous Post

Supporters ni Mayor Isko, inilunsad ang PRIMO-ISKO

Next Post

Kuya Kim, nag-vlog ng ‘My Last as a Kapamilya’

Next Post
Kuya Kim, nag-vlog ng ‘My Last as a Kapamilya’

Kuya Kim, nag-vlog ng 'My Last as a Kapamilya'

Broom Broom Balita

  • Netizen, nanawagan ng tulong para sa operasyon sa puso ng ‘visually impaired’ na ina
  • Estudyante, patay nang tangkaing iligtas ang mga nalulunod na pinsan sa ilog
  • ‘Sorry Rapunzel, iksi ng buhok mo!’ Vice Ganda, flinex kasweetan ni Ion
  • Pope Francis, nakatakdang ma-discharge sa ospital sa Sabado
  • Madam Inutz, bet banggain sina Rosmar, Glenda
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.