• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Laperal White House sa Baguio, tampok sa camouflage art; artist, minulto nga ba?

Richard de Leon by Richard de Leon
September 30, 2021
in Balita, Balitang Extraordinary
0
Laperal White House sa Baguio, tampok sa camouflage art; artist, minulto nga ba?

Screenshots mula sa TikTok/YT/Golgie Yabes

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Usap-usapan ngayon sa social media ang ibinahaging TikTok video ng camouflage artist na si Goldie Yabes, kung saan makikita ang nakapaninindig-balahibong karanasan niya habang nagme-make up sa harapan mismo ng kinatatakutang Laperal White House sa Baguio City

Habang pinipintahan ang kanyang mukha para sa gagawing camouflage art, bigla umanong hinangin ang kanyang buhok saka gumalaw ang camera na ginagamit niyang pang-video. Kitang-kita sa video na nagulat siya sa mga nangyari.

Lalo pa siyang nahindik nang pag-uwi niya ng bahay, nagulat siya nang makita ang mga kalmot sa kanyang likod.

“This is my experience sa Laperal White House. Opo, yung Haunted House dito sa Baguio. I think some of you already saw this video on TikTok, but I’ll just share it here on FB para sama-sama na po tayong matakot opo” ani Goldie.

May be an image of outdoors
Larawan mula sa TikTok/Goldie Yabes
May be an image of text
Larawan mula sa TikTok/Goldie Yabes
May be an image of text
Larawan mula sa TikTok/Goldie Yabes

Hindi naman umano siya namimilit sa mga tao na paniwalaan siya. Sila na lamang umano ang humusga batay sa video na kaniyang ibinahagi.

Ang Laperal Mansion ay isa sa pinaka-haunted na bahay sa Pilipinas. Itinayo ito noong 1920 ng pamilya ni Don Roberto Laperal.
Noong World War II ay ginawa umano itong garrison ng mga Hapon kung saan marami ang pinahirapan at pinatay, kabilang ang mga kapamilya ni Don Roberto.

Ilan sa mga umano’y nagpapakita rito ang batang babae na nakaupo sa hagdan sa harap ng bahay at babae na nakasilip sa bintana.
Sa kasalukuyan, isang art house na ang Laperal White House kung saan nakalagak ang Ifugao Bamboo Carving Gallery.

Panoorin ang TikTok video via YouTube channel ni Goldie Yabes:

Tags: baguiocamouflage artGoldie YabesLaperal White House
Previous Post

Lacson sa filing ng COCs: ‘We need leaders, not pretenders’

Next Post

Kuya Kim, pasok!! Mang Tani, etsa puwera na?

Next Post
Kuya Kim, pasok!! Mang Tani, etsa puwera na?

Kuya Kim, pasok!! Mang Tani, etsa puwera na?

Broom Broom Balita

  • Nahulog sa barko? Tripulante, ‘di pa mahanap ng PH Coast Guard sa Batangas
  • Phivolcs, pinaghahanda ang Davao sa aftershocks dala ng nangyaring Magnitude 6 na lindol
  • Nursing student, iniligtas ang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
  • ‘Starry night pool’: Isang swimming pool, nagmistulang art canvas
  • DOTr: Operasyon at maintenance ng Metro Manila Subway at North-South railway, isasapribado na
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.