• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘6 years’ na kuwenta ni Bianca Manalo sa relasyon nila ni Sen. Win, kinuwestyon ng mga netizens

Richard de Leon by Richard de Leon
September 28, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
‘6 years’ na kuwenta ni Bianca Manalo sa relasyon nila ni Sen. Win, kinuwestyon ng mga netizens

Win Gatchalian at Bianca Manalo/Larawan mula sa IG/FB/TPL3

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kinuwestyon ng mga netizens ang pagkuwenta ni Miss Universe Philippines 2009 Bianca Manalo sa haba ng relasyon nila ni Senator Win Gatchalian.

Mababasa sa Instagram post ni Bianca para sa anniversary message niya sa boyfriend na anim na taon na umanong persistent sa kaniya si Win.

“For 6 years, Sherwin was very persistent. Kuwento ko sainyo one of these days kung paano ang love story namin,” aniya sa paghuling talata ng kaniyang caption.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/09/28/bianca-manalo-may-sweet-anniversary-message-para-kay-sen-win/

Ayon sa isang personal na blog site at Facebook page na ‘TPL3’ o The Political Labandera, tila kuwestyunable daw ang ginawang computation ni Bianca. 2019 lamang daw kinumpirma ni Bianca na sila na ni Win, at noong 2018, ang boyfriend nito ay ang Mayor ng bayan ng Pandan sa Antique na si Jonathan Tan.

“Segway muna tayo showbiz konte…kasi politiko naman ang involved. Sabi ni Bianca Manalo na 6 years na sila ni Sherwin Gatchalian. Okaaaaaaay. Pero sa pagkakatanda namin, noong 2018, hindi pa naman si Sherwin ang bf nya. Mayor ng Antique bf niya noon. And 2018 is what? 3 years ago,” saad sa caption.

Dalawa lang umano ang ibig sabihin nito.

“So, either mahina si Bianca Manalo sa subtraction or inaamin niya that she cheated on her former bf Mayor just to hook up with a Senator. OOOOOOOY. Bad. Pero, in fairness, Level up sa jowa naman talaga ang naganap. Cge. Walang basagan ng trip.”

Kaya naman may ‘unsolicited advice’ siya sa senador.

“Anyway, Win, alam namin sa negosyo background mo at pamilya mo kaya magaling ka naman sa Math, paki turuan mo jowa mo basics ng addition and subtraction! Mahirap ang malugi. Ayaw na ayaw ng mga Fil-Chinese businessmen na nalulugi. Di ba?”

Larawan mula sa FB/TPL3

Narito naman ang ilan sa reaksyon ng mga netizens:

“Baka naman nagkamali lang sa compute! Kayo naman, masyadong judgmental!”

“From my understanding sa caption ni Bianca when she said 6 years nang persistent si lalake, meant 6 years na s’yang nililigawan. Pero ang kapal pa rin pa rin kasi mukhang ineentertain naman n’ya kahit in a relationship pa s’ya noong time na yun. Yung bf niya yung kasama niya sa tumaob na bangka with Ehra Madrigal and husband yata.”

“Baka nililigawan siya at that time while in a relationship. Persistent si guy siya naman na marupok, may I entertain haha, wait tayo sa kuwento niya, kukuwento raw niya love story nila eh.”

As of this writing ay wala pa namag naikukuwento si Bianca hinggil sa love story nila ni Win, o kaya naman ay komento hinggil dito.

Tags: Bianca ManaloJonathan TanTPL3Win Gatchalian
Previous Post

Raffy Tulfo, magiging parte ng Lacson-Sotto slate?

Next Post

Marcelito Pomoy, may planong mamahagi ng school supplies sa mga bata

Next Post
Marcelito Pomoy, may planong mamahagi ng school supplies sa mga bata

Marcelito Pomoy, may planong mamahagi ng school supplies sa mga bata

Broom Broom Balita

  • DOH, nag-ulat ng dagdag na 128 kaso ng Covid-19
  • Dingdong Dantes, sorpresang binisita ng pamilya sa set ng Family Feud
  • Marawi siege victims, mababayaran na?
  • QC, naglunsad ng dagdag na mental health programs
  • BOC, nagbabala vs payment scam
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.