• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Toni Fowler, matapos ‘ma-scam’ ng ex-bf, tumulong mag-propose sa bago nitong nililigawan

Richard de Leon by Richard de Leon
September 26, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Toni Fowler, matapos ‘ma-scam’ ng ex-bf, tumulong mag-propose sa bago nitong nililigawan

Toni Fowler, Rob Moya, at Jen (Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nawindang ang mga subscribers at followers ng mommy vlogger na si Toni Fowler, matapos nitong tulungan ang umano’y nang-scam sa kaniyang ex-boyfriend na si Rob Moya, para mag-propose sa panibago nitong nililigawang si ‘Jen,’ upang maging girlfriend.

Sa latest vlog ni Rob na may pamagat na ‘SHE SAID YES,’ makikitang nasa venue ng paggaganapang proposal si Toni, sa mismong bahay nito, at inihahanda nila ng kaniyang mga kasama ang mga lobo at malaking heart sa sahig, na pinagsama-samang tatlulot o petals ng mga rosas.

Bagama’t emosyunal, ipinaliwanag ni Toni na masaya siya para sa panibagong milestone sa buhay ng kaniyang ‘bessy’ na si Rob, at masaya siyang makitang masaya ang kaniyang mahal.

May be an image of 3 people, balloon, rose and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 1 person, standing, balloon and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas

“Syempre kapag mahal mo yung isang tao… (naiiyak ako), pag mahal mo yung tao, syempre masaya ako para sa kaniya kasi magmamahal na siya ulit, masaya na siya ulit, naka-smile na siya ulit, inspired na siya ulit… marami naman siyang tamang ginawa para sa akin eh, at masaya na ako kasi hindi rin ako totally maka-move forward sa buhay kasi, kapag alam mong hindi okay yung ex mo, eh may pinagsamahan kayo, na marami kayong shinare sa buhay n’yo, kaya this time masaya na ako dahil magiging okay na siya…” paliwanag ni Toni.

Sa dulo ng vlog, makikitang tinanggap naman ng babae ang proposal ni Rob na maging jowa nito. Nagpaalam din si Rob sa naging anak-anakan niyang si Tyronia, na anak ni Toni.

May be an image of 3 people, balloon and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 2 people, balloon and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 2 people, people standing, balloon and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 1 person, standing, balloon and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 3 people and people standing
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 3 people, people standing, balloon and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas
May be an image of 2 people, people standing, rose and indoor
Screenshot mula sa YT at FB/Rob Moya/Nikita Valeras Arenas

Matatandaang noong May 2021 ay ibinuking ni Toni na ginagamit umano ni Rob ang pera niya para sa umano’y pambababae nito.

“Kawawa naman yung babaeng nakikisali. Dahil sinali mo sa gulo. P*TA PERA KO PA PINANGBILI MO NG TEDDY BEAR NA NIREGALO MO HAHAHAHA! SABAY BIGAY NG MGA DAMIT NA PINAMILI KO HAHAHAHA! SABAY SAKAY SA KOTSE KO HAHAHAHA!” tweet ni Toni noong Mayo 2021.

Noong una, ayaw pang isiwalat ni Toni ang dahilan ng break-up nila ni ex-jowa, pero sa udyok na rin ng kaniyang followers at kaibigan, ibinunyag niya na tinangayan siya umano nito ng pera na nakalaan sana para sa junakis niyang babae na si Tyronia.

3M umano ang pera sa bank account ni Tyronia na ipinagkatiwala ni Toni kay Rob, pero natuklasan na lamang niya na bawas na ito, at Php 200,000 na lamang ang natitirang pera na para sana sa kinabukasan ng bagets.

Bukod sa andabels, may mga sasakyan pa umanong kinuha ang ex-jowang ito ni Toni na ipinaubaya na lamang niya rito. At ito ang pangunahing dahilan ng kanilang hiwalayan. Nakisawsaw na nga ang sikat na programa ni Raffy Tulfo sa kanila; Ngunit sa huli, mas pinili ni Toni na magpaka-mother Earth na lang kay Tyronia at gumora na lamang sa buhay kasama ang junakis at mga kaibigan.

Meet the trending #ToRoFamily, Toni Fowler, Rob Moya, and Tyronia | GMA  Entertainment
Toni Fowler at Rob Moya (Larawan mula sa Balita Online)

Sa ngayon ay masaya na rin si Toni sa kaniyang karelasyon na si Tito Vince, na isa sa mga dahilan umano para sumailalim siya sa proseso ng ‘pagpapasikeps’ o Thermiva, na ibinahagi naman niya sa kaniyang YouTube channel. Ito ay isang non-surgical procedure para sa ‘labia and vaginal tightening and rejuvenation,’

Basahin: https://balita.net.ph/2021/08/09/toni-fowler-nagpasikeps/

“Ang dahilan kung bakit ako nagpapaganito dahil anti-aging ng p*pe. Anti-laylay,” natatawang sabi niya.

Tags: Rob MoyaToni Fowler
Previous Post

Pagkalat ng COVID-19 sa PH, bumabagal na!

Next Post

Sino si Rodrigo Duterte?

Next Post
Para kanino ang Build, Build, Build?

Sino si Rodrigo Duterte?

Broom Broom Balita

  • Overall accuracy rate ng preliminary RMA, nasa 99.9% — Comelec
  • Enchong Dee, ginawaran ng pagkilala sa kanyang natatanging pagganap sa ‘Alter Me’
  • Pinoy sa New York na nagpanggap umanong Kakampink, humingi ng paumanhin kay Robredo
  • 31st SEA Games: Biado, Amit, naka-gold medal sa 10-Ball pool
  • LRT-1, nagpatupad ng limitadong operasyon dahil sa aberya
Comelec sa mga suhestyon upang ganapin ang halalan 2022: ‘No ideas are off the table for now’

Overall accuracy rate ng preliminary RMA, nasa 99.9% — Comelec

May 21, 2022
Enchong Dee, ginawaran ng pagkilala sa kanyang natatanging pagganap sa ‘Alter Me’

Enchong Dee, ginawaran ng pagkilala sa kanyang natatanging pagganap sa ‘Alter Me’

May 21, 2022
Pinoy sa New York na nagpanggap umanong Kakampink, humingi ng paumanhin kay Robredo

Pinoy sa New York na nagpanggap umanong Kakampink, humingi ng paumanhin kay Robredo

May 21, 2022
31st SEA Games: Biado, Amit, naka-gold medal sa 10-Ball pool

31st SEA Games: Biado, Amit, naka-gold medal sa 10-Ball pool

May 21, 2022
Operasyon ng LRT-1, suspendido sa Enero 30

LRT-1, nagpatupad ng limitadong operasyon dahil sa aberya

May 21, 2022
Ryza Cenon sa experience bilang mommy: ‘May moment talaga na matutulala ka nalang sa pagod’

Ryza Cenon sa experience bilang mommy: ‘May moment talaga na matutulala ka nalang sa pagod’

May 21, 2022
Ika-46 anibersaryo ng MMDA, ipinagdiriwang

MMDA, pinaalalahanan ang publiko na maging handa sa pagdating ng kalamidad

May 21, 2022
Pinoy mula Middle East, nahawaan ng Omicron sub-variant BA.4

Pinoy mula Middle East, nahawaan ng Omicron sub-variant BA.4

May 21, 2022
Domagoso at Servo, namahagi ng tulong pinansyal sa mga nasunugan sa Baseco Compound

Domagoso at Servo, namahagi ng tulong pinansyal sa mga nasunugan sa Baseco Compound

May 21, 2022
Pops Fernandez, nanawagang awat na sa mga away dulot ng halalan, magrespetuhan na lang

Pops Fernandez, nanawagang awat na sa mga away dulot ng halalan, magrespetuhan na lang

May 21, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.