• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Isko Moreno, isang busabos pero hindi bastos, tatakbo sa 2022 elections

Balita Online by Balita Online
September 25, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Pilipinas, matulungin at maawain sa mga refugee
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pormal na nagdeklara si Francisco Domagoso, aka Isko Moreno, aka Yorme, ang Manila Mayor, ng kanyang intensyong tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections.

Una nang nagdeklara ng ambisyong makuha ang trono ng Malacanang sina Sen. Panfilo Lacson at Sen. Manny Pacquiao.

Sa parte ng PDP-Laban Cusi Wing, ang gusto nilang tumakbo sa panguluhan ay si Sen. Bong Go katambal ni Pres. Rodrigo Roa Duterte bilang pangalawang pangulo. Tumanggi si Go.

Kapag natuloy ang kanyang pagtakbo at kapag siya ay nanalo, siya ang magiging pangatlong alkalde sa bansa na nasungkit ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Ang dalawa pa ay sina ex-Mayor Joseph Estrada aka Erap, at ex-Mayor Rodrigo Duterte aka Digong/Rody.
Sa opisyal na paglulunsad ng hangaring maging kandidato sa panguluhan noong Miyerkules, nangako si Yorme ng pagkakaisa at paghihilom. Nagsalita siya sa katamtamang dami ng mga tao sa Baseco Compound sa Tondo, Manila, lugar na isa sa pinakamahirap na komunidad sa bansa.

Kasama niya roon ang magiging ka-tandem niya na si Dr. Willie Ong, isang doktor at social media personality, na minsang nang tumakbo bilang senador noong 2019 na bagamat natalo, ay nakakuha naman ng mahigit sa 7.5 milyong boto. 

“Puwede akong magtrabaho kahit kanino”, pahayag ni Isko Moreno na minsan ay naging alyado ng Duterte administration. Noon nga, may mga report na sinabi niyang ang hinahangaan at iniidolo niyang mga lider ay sina dating Pangulong Ferdinand Marcos at si PRRD. Ngayon ay iba na ang kanyang tono.

“Magiging isa akong healing president. While ours will be a government of national reconstruction, it will also be a government of national reconciliation, based on justice and rule of law.” Naninindigan siya na kapag siya ay nangako, ito ay hindi mapapako tulad ng ibang mga lider na puro pangako, pero lagi namang napapako. Isusulong niya ang “open governance policy” sa bagong mga ideya, opinyon, at partisipasyon ng mga tao sa decision-making and governance.” 

Binigyang diin ni Yorme na kakayahan at hindi koneksiyon ang magiging solong gabay niya sa paghirang ng mga opisyal ng pamahalaan. “To those with skills, no recommendation is necessary. Those without, need not apply.” 

Ipinaalam niya sa mga tao na siya ay dating basurero (garbage collector) at sinabing hindi siya anak ng isang kilala o kaya ay ng isang pangulo. Tandisan niyang sinabi na siya ay “isang busabos pero hindi naging bastos.” 

Previous Post

Coach sa dobleng medalya ni Carlos Yulo: ‘Paghihiganti lang!’

Next Post

12-17 years old, babakunahan na sa Oktubre?

Next Post
12-17 years old, babakunahan na sa Oktubre?

12-17 years old, babakunahan na sa Oktubre?

Broom Broom Balita

  • Mister, sinalakay sa motel ang nagmimilagrong misis, kaniyang kerida
  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
  • Meralco at SPPC, lumagda ng 300-MW emergency power supply deal
  • Parañaque, makararanas ng pagkaantala sa serbisyo ng kuryente mula Marso 30-31
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.