• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

‘Pinas, matatanggap ang ika-60 milyong dose ng COVID-19 vaccine

Balita Online by Balita Online
September 19, 2021
in Balita, National / Metro
0
FDA, inaprubahan ang emergency use ng Moderna vaccines para sa edad 12 hanggang 17

(FILES) (AFP/MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Ngayong Linggo, Setyembre 19, makakamit ng Pilipinas ang isa pang milyahe sa national inoculation program nito laban sa coronavirus disease (COVID-19) dahil tatanggapin nito ang ika-60 milyong dose.

Nitong Sabado, Setyembre 18, nasa 59,359,810 ang kabuuang suplay ng doses.

Nakatakdang darating ang tatlong milyong doses ng Sinovac ngayong Linggo mga dakong 6 ng gabi habang ang 2,020,590 doses ng Pfizer ay darating mamayang 11:30 ng gabi.

Ang darating na SInovac ay binili ng gobyerno habang ang Pfizer naman ay donasyon ng COVAX facility.

“Magkakaroon na tayo ng more or less 64 million. Nakikita ko na once matapos ang September or October, we can surpass 110 million [doses] na makakadating sa atin,” ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr., vaccine czar and chief implementer of the National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Ang kasalukuyang suplay ay binubuo ng SInovac vaccine na may 33 milyon doses– 32 milyon ang binili ng gobyerno sa China habang ang isang milyon ay donasyon ng Chinese government.

Iba pang mga bakuna:

— Astrazeneca na may 9,595,440 total doses kabilang ang 3,472,300 doses na binili ng national government, private sector, at local government units (LGUs), 4,584,000 doses ay donasyon mula sa COVAX, at 1,539,140 doses naman ay donasyon mula sa Japan at United Kingdom;
— Pfizer na may 6,596,460 total doses kabilang ang 3,935,880 procured doses at 2,660,580 na donasyon mula sa COVAX;
— Moderna na may 5,257,060 total doses kabilang ang 2,257,000 procured doses, at 3,000,060 na donasyon mula sa COVAX;
— Janssen Pharmaceutical’s Johnson & Johnson (J&J) na may 3,240,850 na donasyon mula sa COVAX;
— Sinopharm na may 1.1 milyon na doses na mula sa China at United Kingdom; at
— Sputnik V na may 570,000 procured doses.

Ayon kay Galvez, sa oras na makamit ang “sizeable” suplay ng COVID-19 vaccines, maaari nang masimulan na mabakunahan ang ilan sa 20 milyon na kabataan.

“Once we achieve that, maybe we can convince now the NITAG [National Immunization Technical Advisory Group] that we have ample supply for the vaccination of our adolescents,” aniya.

Sa huling datos noong Biyernes, 40,991,974 ang kabuuang bilang ng mga nabakunahan. Sa naturang bilang, nasa 22.7 milyon na Pilipino ang nakatanggap ng kanilang first dose, habang 18.2 milyon naman ang fully vaccinated.

Martin Sadongdong

Tags: COVID-19 vaccine
Previous Post

Robredo, walang sama ng loob kay Duterte; mga anak, tutol sa posibleng presidential bid niya

Next Post

Arsobispo ng Kalibo, tutol sa operasyon ng mga casino sa isla ng Boracay

Next Post
Arsobispo ng Kalibo, tutol sa operasyon ng mga casino sa isla ng Boracay

Arsobispo ng Kalibo, tutol sa operasyon ng mga casino sa isla ng Boracay

Broom Broom Balita

  • Dating miyembro ng CTG, sumuko sa awtoridad
  • DHSUD, ‘di nangongolekta ng membership fee para sa programang pabahay
  • Mayor Wes Gatchalian, hindi rin nagpahuli sa bagong nauuso na social networking app
  • Ex-NBA player KJ McDaniels, ‘di umubra–Meralco, sinagasaan ng Dyip
  • Nasa 3,000 MT inangkat na sibuyas, nakarating sa bansa
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.