• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Duterte, ‘di makikipagtulungan sa ICC

Balita Online by Balita Online
September 18, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Pilipinas, matulungin at maawain sa mga refugee
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nananatiling matigas ang paninindigan ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) na hindi pasasakop at makikipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa kanyang mabangis at madugong pakikipaglaban sa illegal drug sa Pilipinas.

Sa mga ulat, may 6,181 na ang napatay ng mga pulis sa mahigit na 200,000 operasyon nito mula noong 2016 laban sa pinaghihinalaang drug pushers at dealer bagamat ayon sa mga kritiko ng drug war ng Pangulo, mahigit na sa 30,000 mamamayan ang napatay ng PNP at ng iba pang ahensya ng gobyerno. Tanong ng kaibigan kong sarkastiko: “Meron bang big-time drug lords na napatay o hinahayaang makalabas ng bansa”?

Iginiit ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo noong Huwebes, walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas upang magsagawa ng pagsisiyasat laban sa Punong Ehekutibo.

Nitong Miyerkules, inawtorisahan ng ICC judges ang pagsasagawa ng isang full-blown investigation hinggil sa madugong anti-narcotics campaign ng administrasyong Duterte. Sa tantiya ng rights group, ang kampanya ni PRRD laban sa illegal drugs na ang karamihang napapatay ay mga ordinaryong drug users at pushers, ay umaabot na sa libu-libong tao na maituturing na isang sistematikong pag-atake sa mga sibilyan.

“Hindi makikipag-cooperate ang Pangulo sapagkat una sa lahat, ang Pilipinas ay kumalas na sa  Rome statute kung kaya ang ICC ay wala nang hurisdiksyon sa bansa,” pahayag ni Panelo.

“Hindi papayagan ng gobyerno na makapasok ang sino mang ICC member upang humanap at mag-ipon ng impormasyon at ebidensya dito sa Pilipinas. Sila ay pagbabawalang makapasok,” ani Panelo.

Paulit-ulit na binabanatan ni Duterte ang world’s only permanent war crimes court (ICC), at tinawag niya itong “bulls**t” at nangakong kailanman ay hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon.

Binatikos si PRRD ng mga tao sa mundo nang tanggalin niya ang Pilipinas sa ICC matapos na ang hukuman ay maglunsad ng isang preliminary investigation sa kanyang drugs crackdown.  Marami ang naniniwala na kapag wala na sa puwesto si Mano Digong, katakut-takot na kaso ang kakaharapin niya kaugnay ng madugong giyera sa illegal drugs, na karamihang napapatay sa mga operasyon ay mahihirap at ordinaryong tao na nakatsinelas lang.

Marami rin ang naniniwalang hindi nanlaban ang mga biktima, na sila’y nilagyan lang baril at ang mga illegal drugs na natagpuan sa kanila.
                                                                               -0-0-0-

Mga kababayan, patuloy ang pagdami ng mga kaso ng Covid-19 sa ating bansa sanhi ng iba’t ibang variants, partikular ang Delta variant na lubhang mabagsik, madaling makahawa. Mag-ingat tayong lahat. Sundin na ang simpleng patakaran sa kalusugan: “Laging maghugas ng mga kamay, laging magsuot ng face mask/shield, panatilihin ang tamang agwat, iwasan ang maraming tao at malalaking pagtitipon”. Mahirap bang sundin ang mga ito? 

Previous Post

Vice Ganda, ‘pinaringgan’ nga ba si Ate Gay?

Next Post

6 na leon, 3 tigre, positibo sa COVID-19 sa Washington Zoo

Next Post
6 na leon, 3 tigre, positibo sa COVID-19 sa Washington Zoo

6 na leon, 3 tigre, positibo sa COVID-19 sa Washington Zoo

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.