• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Maagang pag-endorso? Vice ganda, nagpahayag ng suporta kay Chel Diokno sa social media, nat’l tv

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 17, 2021
in Balita, Celebrities, National / Metro
0
Maagang pag-endorso? Vice ganda, nagpahayag ng suporta kay Chel Diokno sa social media, nat’l tv

Larawan mula sa Instagram ni Vice Ganda (kaliwa) at Facebook page ni Atty. Chel Diokno (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kasunod ng opisyal na anunsyo ng muling pagtakbo ng human rights lawyer na si Atty. Jose Manuel “Chel” Diokno bilang Senador sa Halalan 2022 nitong Miyerkules, Setyembre 15, naging laman agad ng social media ni Vice Ganda ang pangalan nito.

Tila maagang endorso ang natanggap ng senatorial aspirant na si Chel Diokno sa komedyante at tinaguring “Unkabogable Star” Vice Ganda ilang oras matapos ianunsyo nito ang kanyang kandidatura bilang Senador sa darating na halalan sa Mayo 2020.

Agad na naging bukambibig ng Kapamilya star sa isang Tiktok content ang pangalan ni Diokno na sa pag-uulat ay umabot na sa 2.5 million views.

Ginamit din ni Vice Ganda ang kanyang Twitter account na may higit 14 million followers sa tweet na “Chel Diokno for Senator.”

Nitong Huwebes, Setyembre 16, patuloy na nagpahayag ng positibong mga salita para kay Diokno sa programang “It’s Showtime” si Vice Ganda.

“Favorite ko kasing abogado si Chel Diokno. That’s my favorite lawyer, Chel Diokno. Ang galng-galing niyan. Professor din yan. Mahusay na professor yan. Human rights lawyer, si Chel Diokno,” paglalahad ni Vice sa co-host nitong si Vhong Navarro sa “It’s Showtime.”

Matapos mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, umeere ang ilang programa nito sa A2Z Channel 11, TV 5 at ilan pang mga outlets.

Ilang personalidad din kabilang na si Enchong Dee at Saab Magalona ang nagpahayag ng pagsuporta para para kay Diokno.

Tags: chel dioknoHalalan 2022Si Vice Ganda
Previous Post

Gordon kay Duterte: ‘You are a cheap politician’

Next Post

DOH, hindi pa rin inirerekomenda ang Ivermectin bilang COVID-19 treatment

Next Post
DOH, hindi pa rin inirerekomenda ang Ivermectin bilang COVID-19 treatment

DOH, hindi pa rin inirerekomenda ang Ivermectin bilang COVID-19 treatment

Broom Broom Balita

  • KBL team Changwon LG, nilampaso ng Gilas Pilipinas sa tune-up game
  • 2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela
  • 2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate
  • Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!
  • Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda
KBL team Changwon LG, nilampaso ng Gilas Pilipinas sa tune-up game

KBL team Changwon LG, nilampaso ng Gilas Pilipinas sa tune-up game

September 22, 2023
2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela

2 menor de edad na-rescue sa buy-bust operation sa Isabela

September 22, 2023
2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate

2 NPA members, patay sa sagupaan sa Masbate

September 22, 2023
Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

Approval at trust rating nina PBBM, VP Sara bumaba!

September 22, 2023
Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

Micro rice retailers sa QC, Marikina, Pasig nakakuha na ng tig-₱15,000 ayuda

September 22, 2023
Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

Faith Da Silva walang prenong sinagot ang tanong ni Boy Abunda

September 22, 2023
Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

Romualdez, nakiramay sa pagpanaw ni Bayani Fernando

September 22, 2023
2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

2,000 residente, na-rescue sa pagbaha sa Zamboanga

September 22, 2023
‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

‘Super Bass’ challenge nina Melai at mga anak, kinaaliwan ng netizens!

September 22, 2023
Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Cagayan, niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

September 22, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.