• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Gordon kay Duterte: ‘You are a cheap politician’

Balita Online by Balita Online
September 17, 2021
in Balita, National / Metro
0
Gordon kay Duterte: ‘You are a cheap politician’

Mga larawan mula sa Manila Bulletin

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Tumindi pa ang bangayan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Philippine Red Cross chairman at Senator Richard Gordon.

Nagtataka si Gordon kung bakit patuloy umanong ipinagtatanggol ng Pangulo si Michael Yang, isang bilyonaryo na sentro umano ng gulo ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM).

“I’m really sorry for you, Mr. President. Ang pinagtatanggol n’yo si Lao? May utang na loob kayo dahil sa eleksyon? You are a cheap politician, Mr. President. Cheap politician, as cheap as they come, Mr. President,” pahayag ni Gordon kay Duterte.

“I prayed for you. You need prayers. I pray forgiveness for you,” pagdidiin ni Gordon.

Kaugnay nito, nilinaw ni Gordon na wala siyang planong tumakbo sa pagkabise-presidente sa 2022 national elections matapos siyang atakihin ni Duterte.

Binati rin siya ng mga kasamahan sa Senado na pinangungunahan ni Senate President Vicente Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon dahil sa natanggap na kritisismo mula nang simulan ang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng kuwestyunableng pagbili ng PS-DBM ng medical supplies na nagkakahalaga ng P42 bilyon.

Pinabulaanan din ni Gordon ang paratang ni Duterte na ginagamit nito ang pagiging chairman ng PRC at ang isinagawang pagsisiyasat ng Senado para sa kanyang ambisyon sa politika.

Ani Gordon, hindi siya gumawa ng kahit anong anunsyo na tatakbo siya sa pagka-bise presidente. Dahil para sa kanya, napagsilbihan na niya ang bansa.

Tinukoy niya mismo ang Presidente na siyang tatakbo sa pagka-bise presidente.

Nakiusap din si Gordon na payagan ang Senado na magpatuloy sa pagsiyasat sa natuklasan nitong “fraud, waste and abuse.”

Ayon naman kay Sotto, ginagawa lang umano ni Gordon ang kanyang trabaho bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon committee chairman.

Kabilang sa mga senador na bumilib kay Gordon ay sina Senador Franklin Drilon, Senador Kiko Pangilinan, Senador Risa Hontiveros, at Senador Leila de Lima.

Mario Casayuran

Tags: Michael Yangrichard gordonrodrigo duterte
Previous Post

Tutol sa fiancé? Kantang ‘Love You Still’ ni Morissette, alay sa nakaalitang pamilya

Next Post

Maagang pag-endorso? Vice ganda, nagpahayag ng suporta kay Chel Diokno sa social media, nat’l tv

Next Post
Maagang pag-endorso? Vice ganda, nagpahayag ng suporta kay Chel Diokno sa social media, nat’l tv

Maagang pag-endorso? Vice ganda, nagpahayag ng suporta kay Chel Diokno sa social media, nat’l tv

Broom Broom Balita

  • Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29
  • 2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA
  • ‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz
  • Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda
  • Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes
CBCP, binati si Maria Ressa sa Nobel Peace Prize award

Korte Suprema, pinayagan si Ressa na magpunta ng ibang bansa sa Hunyo 4 hanggang 29

May 30, 2023
TikTok account, dagdag solusyon ng BI vs human trafficking

2 biktima umano ng trafficking, nasagip sa CIA

May 30, 2023
‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

‘Ayaw na ni Liza, si Ken gusto pa’: LizQuen, split na raw ayon sa source ni Ogie Diaz

May 30, 2023
Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

Anti-gay bill, nilagdaan na ng Pangulo ng Uganda

May 30, 2023
Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

Carla Abellana, hiniritan nang sumunod sa engagement ni LJ Reyes

May 30, 2023
Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

Lolit, may pasaring kay Willie: ‘Lahat ng bagay meron siyang complaints’

May 30, 2023
Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

Kapamilya singer Elha Nympha, tumalak: ‘Pag cheater, cheater periodt walang echos echos gow!’

May 30, 2023
Listahan ng mga senior citizen sa Maynila, ipinapa-update ni Lacuna

MPD-SMaRT, pinuri ni Lacuna sa muling pagkaaresto sa puganteng Koreano

May 30, 2023
4 na suspek, arestado para sa pagnanakaw ng aabot sa P300K halaga ng construction materials sa Maynila

2 wanted sa carnapping, rape natugis ng otoridad sa Pasay City

May 30, 2023
Hinihinalang biktima ng salvage, lalaki itinapon sa isang sapa sa Batangas

Kasambahay, natagpuang patay sa bahay ng sariling amo sa Sampaloc, Maynila

May 30, 2023
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.