• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Cristy Fermin sa pagkakahawig ni Jinkee kay Kristine Hermosa: ‘Dumaan sa maraming retoke’

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 17, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Cristy Fermin sa pagkakahawig ni Jinkee kay Kristine Hermosa: ‘Dumaan sa maraming retoke’

Larawan mula sa Instagram ni Jinkee Pacquiao (kaliwa) at screengrab sa Youtube channel ng One PH (kanan)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi na nga tinigilan ng veteran showbiz host at columnist na si Cristy Fermin si Jinkee Pacquaio matapos ang muling komento nito sa umano’y retokadang mukha ng asawa ng senador dahilan umano para mapansin ng ilang netizens ang pagkakahawig kay Kristine Hermosa sa isang magazine cover.

Sa episode ng Cristy Ferminute nitong Miyerkules, Setyembre 15, diretsahan nitong nagbitaw ng maaanghang na komento patungkol kay Jinkee.

“Siguro naman ay hindi ‘yon sinadya ni Aling Jinkee. Dahil kahit ano naman siguro ang gawin niya, isubsob pa niya sa ulo niya mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa,” walang kiyemeng sabi ng veteran host.

Dagdag niya, “Dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon, ‘di ba? Eh si Jinkee alam naman natin kung ano pinagdaanan ng kanyang kagandahang pinanghahawakan ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo.”

Kasunod na binalikan ni Cristy nang nakapanayam nito si Jinkee dati. Aniya, “kakapasalamat doctor pa lang” noon ni Jinkee at kapansin-pansin ang naging pagbabago ng itsura nito.

“Nakakapanibago kasi nandun ‘yung kakambal niya eh, siyempre magkokompara ka. ‘Di ba nung makilala mo sila magkamukhang magkamukha sila. Ngayon, lutang na lutang na ‘yung ibang ganda ni Jinkee. Kasi nga dumaan na kasi siya sa maraming retoke or enhancement,” diretsahang salaysay ni Christy.

Nauna nang maitampok ang misis ng People’s Champ sa isang magazine nitong linggo kung saan ilang netizens ang nakapansing kahawig ni Jinkee sa cover ang aktres na si Kristine Hermosa.

“Hindi naman siguro niya sinasadya na maging kamukha siya ni Kristine Hermosa. Hindi niya talaga magiging kamukha ang isang taong walang opera. Magkakaiba talaga. So ngayon, itong si Jinkee ‘di ba nagpabago na nga siya ng kung anu-anong bahagi ng mukha niya pati katawan niya di ba? Napansin lang ‘yun dahil sa cover niya,” patuloy na tirada ni Cristy.

Samantala, teorya ng kasamang host ni Cristy sa programa, maaaring Kristine Hermosa nga ang naging peg ng make-up artist sa partikular na pagtatampok kay Jinkee sa isang magazine.

Agad namang binara ito ni Cristy,

“Ang ganda ganda ni Kristine Hermosa lalo na kapag walang makeup. Sobra… nasubaybayan namin yan sa Star Magic di ba? Lagi namin siyang nakikita so alam namin na walang binago, walang in-enhance sa kanya.”

Hindi pa rito nagtapos ang veteran host.

“Si Jinkee nga ang tapang tapang ng mukha eh, mukha siyang maldita… kapag ngumingiti siya, talagang matapang talagang very strong ang kanyang itsura, kahit hindi strong, charot.”

Inulan naman ng batikos ang beteranang kolumnista na ang depensa’y “nagpakatotoo lang naman.”

“Nagpakatotoo lang naman po ang tao. Wala pong krimen dun,” ani Cristy.

“Ang krimen po ay yung nagpagawa pero ide-deny,” dagdag nito.

Matatandaang isa sa mga bumatikos kay Jinkee si Crity sa umano’y paghahayag nito ng marangyang buhay sa social media.

Nitong Biyernes, Setyembre 17, sa parehong programa ay nagbigay ng payo ang host sa mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao sa kanilang presentasyon online.

“Ilalapit niyo sa publiko ang mag-asawa. Hindi niyo lalagyan ng pader sa pagitan ng publiko at ng mag-asawa. Lalo na ngayon, nalalapit na ang eleksyon.”

“Sabi nga ni Atty. Bruce Rivera, simple, modest life, ang gustong makita sa inyo ng publiko.”

Tags: Cristy FerminJinkee Pacquiao
Previous Post

Comelec: Isolationg polling places, ‘di ilalaan sa mga botanteng COVID-19 positive

Next Post

Exhibitionist na police official sa Albay, timbog

Next Post
Exhibitionist na police official sa Albay, timbog

Exhibitionist na police official sa Albay, timbog

Broom Broom Balita

  • ₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd
  • May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch
  • Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang
  • ‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?
  • Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22
₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

₱5,000 cash allowance, ipamamahagi sa mga guro sa Agosto 22 — DepEd

August 19, 2022
May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

May nanalo na? Joshua Garcia, walang rason para ‘di hangaan si Bella Poarch

August 19, 2022
Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

Ilang opisyal ng BOC, sisibakin dahil sa smuggling — Malacañang

August 19, 2022
‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

‘Sobrang worth it!’ Pagpapahiyas ni Lars Pacheco sa Thailand, milyones ang inabot?

August 19, 2022
Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

Idi-disinfect muna vs Covid-19: Senado, ila-lockdown sa Agosto 22

August 19, 2022
Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

Vice Ganda, tinuldukan ang chismis na hiwalay na sila ni Ion Perez

August 19, 2022
Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

August 19, 2022
Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

August 19, 2022
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.