• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Retired SC Associate Justice Reyes, may pagmamahal sa sariling wika

Balita Online by Balita Online
September 16, 2021
in Opinyon, SENTIDO KOMUN
0
Araw-araw na pagpayaman sa wikang pambansa
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Bagama’t nakalipas na ang ating paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong nakaraang buwan, hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito nang hindi nag-uukol ng parangal o eulogy sa isang kababayan na maituturing na natatanging haligi ng Wikang Filipino. Palibhasa’y isang Bulakenyo, hindi matatawaran ang lantay na pagmamahal sa sariling wika ng iginagalang ko at isang kumpadre na si Supreme Court Associate Justice Ruben Reyes. Sayang at hindi niya ganap na naipagpatuloy ang kanyang pagpapahalaga sa ating wika dahil sa kanyang kamatayan kamakailan sa edad na 82 — mahigit na isang dekada makaraan ang kanyang pagreretiro.

Naniniwala ako sa walang kagatul-gatol na pahiwatig ng isang kakilalang abogado tungkol sa yumaong Mahistrado ng Korte Suprema: He is known for encouraging the use of Filipino in court proceedings so the people will understand what is going on. Maliwanag na adhikain ng naturang Mahistrado na mabigyan ng lubos na impormasyon ang ating mga kababayan, lalo na ng nililitis na kinabibilangan ng mga hindi gaanong nakapag-aral.

Hindi malayo na ang ilan sa mga desisyon ni Justice Reyes ay nasusulat sa wikang Filipino, lalo na nga kung isasaalang-alang na kabilang sa kanyang mga talumpati at lektura ay nasusulat sa wikang pambansa. Katunayan, may pagkakataon na Filipino ang kanyang ginamit sa buong deliberasyon nang siya ay maging panauhing mananalumpati ng isang grupo ng mga mamamahayag at iba pang sektor ng mga mapagmahal sa katutubong mga lengguwahe.

Higit pa sa magkapatid ang relasyon namin ni Pareng Ruben — tulad ng nakagawian kong tawag sa kanya. Isa ako sa mga naging sponsor o Ninong nang sila ni Kumareng Ellie ay magdiwang ng kanilang ika-25 taong pagsasama o silver wedding anniversary. Mula noon, malimit kaming nagkikita at nagkakape — kasama ang isa pang retiradong Mahistrado ng Court of Appeals — si Justice Bernardo ‘Benny’ Abesamis. Kamakailan, siya man ay sinundo na rin ng Maykapal, wika nga. Ngayon, nag-iisa na lamang ako sa lagi naming tinataguriang tungkong-kalan ng pagkakaibigan.

Isang madamdaming pakikidalamhati sa iyong mga mahal sa buhay, Pareng Ruben. Gayon din kay Pareng Benny. Sumalangit nawa ang inyong mga kaluluwa sa piling ng ating Panginoon.

Previous Post

6.5M deactivated voters, hinikayat ng Comelec na magpa-reactivate ng status

Next Post

Lovi Poe, certified Kapamilya na! Makakatambal si Piolo sa ‘Flower of Evil’

Next Post
Lovi Poe, certified Kapamilya na! Makakatambal si Piolo  sa ‘Flower of Evil’

Lovi Poe, certified Kapamilya na! Makakatambal si Piolo sa 'Flower of Evil'

Broom Broom Balita

  • Zamboanga Del Sur, niyanig ng magnitude 4.1 na lindol
  • Pasok sa gov’t offices sa Abril 5, suspendido na! — Malacañang
  • Iza Calzado: ‘I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child’
  • SC, ibinasura ang 22 graft, malversation charges vs Gov. Degamo
  • Japanese na tumutulong sa Mindoro oil spill cleanup, sugatan sa electric disc cutter
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.