• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita Archive

Lovi Poe, certified Kapamilya na! Makakatambal si Piolo sa ‘Flower of Evil’

Richard de Leon by Richard de Leon
September 16, 2021
in Balita Archive
0
Lovi Poe, certified Kapamilya na! Makakatambal si Piolo  sa ‘Flower of Evil’

Lovi Poe (Larawan mula sa Twitter/FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

“Precious jewel is finally home.”

Isa na ngang opisyal na Kapamilya ang multi-talented artist at showbiz royalty na si Lovi Poe, matapos niyang pumirma ng kontrata sa network, kasama ang ABS-CBN bosses nitong Huwebes, Setyembre 16.

Isang red carpet welcome ang inihanda para sa kaniyang pagdating sa ABS-CBN compound. Sinalubong siya nina ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, COO of broadcast Cory Vidanes, group CFO Rick Tan, at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal. Kasama ni Lovi ang talent manager niyang si Leo Dominguez para sa bonggang contract signing ceremony.

“The guessing game is over as ABS-CBN revealed its new precious jewel, Lovie Poe,” saad sa official Facebook at Instagram account ng Dreamscape Entertainment.

Lovi Poe (Larawan mula sa Twitter/Dreamscape Entertainment)

Ang kauna-unahang Kapamilya teleserye na pagbibidahan niya ay ang Philippine adaptation ng Korean drama na ‘Flower of Evil’ katambal si ultimate heartthrob Piolo Pascual, na pumirma na rin ng kontrata sa kaniyang home network. Tinupad niya ang kaniyang pangakong muling magbabalik.

“At the end of the day, I never left. I’m a Kapamilya through and through, I don’t have to reiterate that. I’ll be back home for sure, pagkatapos ng mga meetings for sure.”

Ang huling teleserye ni Papa P ay ang “Since I Found You” kasama sina JC de Vera, Alessandra de Rossi, Empoy, at Arci Muñoz.

Going back to Lovi, kung tutuusin ay hindi na siya bagong salta sa balwarte ng Kapamilya Network. Kamakailan lamang ay bumida siya sa 2020 iWantTFC original movie na “Malaya,” kung saan nasama siya sa nominasyon bilang Gawad Urian Best Actress.

Bukod dito, nakapag-guest na rin siya sa ilang mga programa ng ABS-CBN gaya ng ‘Gandang Gabi, Vice,’ ‘Magandang Buhay,’ Tonight With Boy Abunda,’ at ‘The Buzz.’

Bago ang big reveal, nagpasalamat muna siya sa GMA Network na naging tahanan niya sa loob ng 15 taon. Aniya, mananatili umano sa kaniyang puso ang dating tahanan, na naunang sumugal sa kaniyang tuparin ang kaniyang mga pangarap at hulmahin ang kaniyang mga talento.

“The projects I’ve done in the past were amazing. I feel like we get to a point where we step out of our comfort zone and we want to take up new adventures in life,” tugon niya sa media conference hosted by Robi Domingo, sa tanong na kung bakit siya lumipat ng ABS-CBN.

Larawan mula sa Twitter/ABS-CBN PR

Ilan sa mga tumatak na proyekto ni Lovi sa Kapuso Network ay ang ‘Bakekang,’ ‘Ang Dalawang Mrs. Real,’ ‘Owe My Love,’ at marami pang iba.

Ang iba pang A-listers at homegrown talent na lumipat ng Kapamilya Network ay sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon na magkasama sa romantic comedy series na ‘Marry Me, Marry You’ na gawang Dreamscape din.

Samantala, matapos makapirma ng kontrata bilang Kapamilya, isang simple subalit makahulugang Instagram post ang ibinahagi niya.

Larawan mula sa Twitter/Lovi Poe

“Para sa iyo, Papa,” na may tatlong pusong sumisimbolo ng mga kulay ng ABS-CBN.

Tags: kapamilyalovi poe
Previous Post

Retired SC Associate Justice Reyes, may pagmamahal sa sariling wika

Next Post

San Juan City Mayor Zamora, kakandidato ulit sa susunod na eleksyon

Next Post

San Juan City Mayor Zamora, kakandidato ulit sa susunod na eleksyon

Broom Broom Balita

  • Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans
  • Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo
  • BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon
  • PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker
  • Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’
Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

Huling kanta ni Emman Nimedez na ‘Simula,’ nagpaluha sa fans

August 17, 2022
Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo

Panloloko ng isang lalaki sa nobya nito, inanunsyo sa full-page ad ng isang dyaryo

August 17, 2022
Comelec, nangako: Magiging mas transparent sa paghahanda para sa eleksyon

BSKE, nakatakdang ganapin sa Disyembre 2023 matapos kanselahin ngayong taon

August 16, 2022
PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

PDEA chief, pabor sa death penalty para sa mga big-time drug trafficker

August 16, 2022
Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

Xian Gaza sa birthday party ni Donnalyn: ‘Ito’y isang malaking insulto sa mga taong hirap na hirap na sa buhay’

August 16, 2022
Alegasyon ng pag-abuso sa PHSA, iimbestigahan ng DepEd at NBI

Displaced students ng CDSL, tutulungan ng DepEd na makahanap ng lilipatang paaralan

August 16, 2022
Itinaon sa Father’s Day: 80 taong gulang na ama, nag-suicide sa Cagayan?

Driver ng jeepney, naidlip habang nagmamaneho; 4 na sasakyan, inararo!

August 16, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

August 16, 2022
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

Pagpapalawig sa enrollment period, hindi pa natatalakay ng DepEd; Enrollees, higit 21.2M na

August 16, 2022
Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

Heaven, sumisid sa dagat: ‘I can see now why freediving is addictive’

August 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.