• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘Warlahang’ Arlene Muhlach at Mon Cualoping sa social media, ikinawindang ng netizens

Richard de Leon by Richard de Leon
September 14, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
‘Warlahang’ Arlene Muhlach at Mon Cualoping sa social media, ikinawindang ng netizens

Mon Cualoping at Arlene Muhlach (Larawan mula sa FB/IG)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Matapos ang nakaambang ‘bardagulan’ sa pagitan nina Philippine Information Agency (PIA) Undersecretary at Director General Mon Cualoping at mister ni Angel Locsin na si Neil Arce dahil sa ‘no brain cells’ comment ng una sa aktres, nakahanap na naman ng ‘kaaway’ si Mon sa katauhan ng character actress na si Arlene Muhlach.

Si Arlene o ‘Arlyn Muhlach’ sa tunay na buhay ay kapatid ng premyadong aktor at matinee idol na si Aga Muhlach, at pinsan naman ng dating wonder child star na si Niño Muhlach.

Arlene Muhlach (Larawan mula sa FB)

Ibinahagi ni Mon ang screenshot ng komento ni Arlene sa naging patutsada niya kay Angel Locsin sa isang Facebook post nitong Setyembre 13, 2021, na inilarawan niya bilang ‘no brain cells at all’ dahil sa ginawa nitong pagpupugay sa mga health workers, at ‘pagsasantabi’ sa iba pang mga propesyunal at manggagawa na kabilang sa ‘ecosystem.’

Patutsada ni Arlene, namumulitika siya at ginagamit pa niya ang pambabastos na komento laban sa mga sikat na artista para mapansin ng mga botante. Kung tutuusin daw, mas marami pa umanong dapat sitahin sa paligid kaysa kay Angel na nagbigay lamang naman ng papuri sa mga frontliners na health workers.

“Grabe, there are so many of your acquaintances that you can lambast that truly affects our lives as Filipinos, and here you go, looking for someone who can UP your popularity by ruining what is pure and comes from the heart?” bahagi ng komento ni Arlene.

“Huwag manggamit para makilala. Puwede naman sa malinis na paraan mag-ingay at mapansin ng mga botante! Kailangan bang gumamit ng sikat na may kasamang paninira? Respeto naman! Makapanlait ka, grabe! Ayusin mo mundo mo,” banat pa ng aktres.

“You are supposed to serve the Filipino people. Hindi maghanap ng sikat to ride their coattails via negativity.”

May be an image of text
Arlene Muhlach (Larawan mula sa FB/Mon Cualoping)

Narito naman ang mahabang tugon ni Mon, na nasa anyong ‘open letter’.

“Dear Ms. Arlene Muhlach, To be honest, I am quite confused with your comment in one of my posts. I am your fan hence I know you aren’t a troll. I tried to decipher what you wrote. Please allow me to respond,” aniya.

“I am sorry, Ma’am. But since day 1 in 2016, I have been consistent in defending the Government. I do not need to be popular because that’s not my job. In fact, it’s all of you giving me undue attention. By the way, Angel Locsin’s comment was all over the news. With social media cards plastered in almost all media networks. I saw it from there. Why? Because I don’t follow any of her social media accounts.”

“Therefore, it’s a public comment. Thus, my right to comment on it too. And I do not question that her intentions were pure and from the heart. The issue is plain and simple: No need to demonize the police force and business folks in order to highlight the heroism of our frontliners. Including you as a comedian. I love watching your films because you are funny. So if you take Locsin’s words, you should be out of job in this pandemic. How irresponsible. How reckless. This is my point.”

“Yet, she, being a popular actor with millions of followers, can rile up people to distrust the Government with her reckless and ridiculous remarks. All in the time of great difficulty in our national life. I think by now you understand my point already.
And please. Don’t accuse me of being a manggagamit. I am not a showbiz personality. I am who I am. My friends and colleagues know I shun attention and would rather work to make things happen.

“I serve the Republic. And it is my duty to protect the Republic from wokes who continue to destroy the country.
Thank you. Mon Cualoping, a fellow Filipino taxpayer.”

Samantala, bilang karagdagan naman, hindi umano siya kakasa sa hamon ni Neil, dahil hindi umano nito masosolusyunan ang problema.

Mon Cualoping, Neil Arce, at Angel Locsin (Larawan mula sa Balita Online)

“To those insisting that I go on a fist fight with the husband, I will not because it does not solve anything. It’s not the crux of the matter”

“Also, the gender card shouldn’t be played here because discourse is discourse. This is not a case of misogyny. Not at all.”

“Respect has been accorded. I did not body shame anyone nor I made it personal. Nor questioned her profession and intention to help people. I just said what I had to say to put things in perspective.”

Samantala, wala pa namang tugon dito ang aktres na si Arlene Muhlach.

Tags: Arlene MuhlachMon CualopingNeil Arce
Previous Post

Anak ng Lucban, Quezon mayor, nasawi sa aksidente

Next Post

South Korea President Moon, niregaluhan ng diplomatic passport ang BTS

Next Post
South Korea President Moon, niregaluhan ng diplomatic passport ang BTS

South Korea President Moon, niregaluhan ng diplomatic passport ang BTS

Broom Broom Balita

  • Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?
  • NFA rice, ibabalik sa merkado — DA
  • 1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec
  • Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?
  • Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students
Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

May 17, 2022
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
PhilHealth, nakapagrehistro ng P32.84-B net income noong 2021

UHC Law, nakatanggap ng suporta mula Philhealth stakeholders

May 16, 2022
DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

DENR, aapurahin ang mga proseso ng aplikasyon para sa ilang mining projects sa Mindanao

May 16, 2022
Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

Cebu Pacific Air, aaksyunan ang piloto na naglabas ng akusasyon vs Robredo

May 16, 2022
Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

Nakaratay na lola na dumalo sa miting de avance ni Robredo sa Makati, pumanaw na

May 16, 2022
Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

Darryl Yap, inalok na raw ng incoming Marcos admin bilang chairperson ng FDCP?

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.