• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Palalakasin ang kakayahang magtanggol ng PH

Balita Online by Balita Online
September 14, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Pilipinas, matulungin at maawain sa mga refugee
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Lalong palalakasin ang defense capabilities o kakayahang magtanggol ng Pilipinas laban sa dayuhang bansa at sa lokal na insureksyon.

Tinalakay nina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. at US Secretary of State Antony Blinken ang mga aksyon at paraan upang lalong mapalakas ang kakayahan ng ating bansa sa kanilang first in-person meeting na ginanap sa Washington nitong Biyernes (Manila time).

Sa pulong, binigyang-diin ni Locsin ang pangangailangan para sa Pilipinas na mapalakas ang defense capacity upang mapanatili nito ang treaty commitments sa United States.Binangggit din niya ang kahalagahan ng Mutual Defense Treaty (MDT), ang kasunduan noong  1951, na nag-formalize sa alyansa ng US at ng Pilipinas.

“We want to ramp up our bilateral engagement to ensure that our alliance remains strong and resilient,”  ani Locsin sa pahayag na na pinalabas ng Philippine Embassy sa US.

Walang idinetalye tungkol sa mga pamamaraan upang mapalakas ang depensa ng Pilipinas, gayunman, ayon sa embassy statement, nagkasundo sina Locsin at Blinken na magdaos ng Bilateral Strategic Dialogue (BSD) sa Nobyembre at ng 2 Plus 2 Ministerial Dialogue sa unang mga buwan ng 2022.

Nalamang ang BSD ay isang mahalagang mekanismo para sa konsultasyon at palitan ng mga pananaw sa malalawak na isyu, kabilang ang pulitikal, seguridad at economic cooperation sa pagitan ng Pilipinas at ng United States.

Sa 2 Plus 2 Ministerial Dialogue naman ay sangkot ang magkasanib na pulong ng foreign at defense secretaries ng dalawang bansa. Mga kababayan, napapansin ba ninyo na nagiging malapit na ngayon ang ugnayan ng Pilipinas at ng US na noong una ay naging “malabnaw” sa unang mga taon ng panunungkulan ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) dahil higit na naging makiling ang Pangulo sa China at Russia.

                                                                                      -0-0-0

May hinala ang mga political analyst na posibleng maging apat ang tatakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections. Sila ay ang “mamanukin” ni PRRD;  VP Leni Robredo o Manila Mayor Isko Moreno; Senator Manny Pacquiao; at Senator Panfilo Lacson.

Gayunman, may naghihinalang maaaring humirit din si dating Senator Bongbong Marcos kapag hindi siya nakatambal ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Isang political analyst ang nagsabing posibleng tumakbo pa rin si Duterte-Carpio kapag umatras ang amang Pangulo sa vice presidential race. 

Previous Post

South Korea President Moon, niregaluhan ng diplomatic passport ang BTS

Next Post

Kim Kardashian, ginulat ang lahat sa kaniyang all-black outfit sa #METGala2021

Next Post
Kim Kardashian, ginulat ang lahat sa kaniyang all-black outfit sa #METGala2021

Kim Kardashian, ginulat ang lahat sa kaniyang all-black outfit sa #METGala2021

Broom Broom Balita

  • LRTA: West extension project ng LRT-2, target maging operational sa 2026
  • Lider ng NPA, nakorner sa Ilocos Sur
  • Meralco at SPPC, lumagda ng 300-MW emergency power supply deal
  • Parañaque, makararanas ng pagkaantala sa serbisyo ng kuryente mula Marso 30-31
  • Lalaking tirador ng nasa P1.2-M halaga ng construction wire sa Makati, arestado
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.