• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Cristy Fermin, pinuri ang mga ‘Maritess’: “Walang kawala ang mga artista”

Richard de Leon by Richard de Leon
September 13, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Cristy Fermin, pinuri ang mga ‘Maritess’: “Walang kawala ang mga artista”

Cristy Fermin (Larawan mula sa Manila Bulletin/FB)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Isa sa mga kinikilalang ‘showbiz authorities’ sa Pilipinas ang showbiz columnist at host na si Cristy Fermin; isa rin siya sa mga pinakamatatapang na kolumnista na matapang at walang takot na nasasabi ang kaniyang mga palagay o opinyon hinggil sa mga showbiz issues, bagay na inaabangan naman ng mga ‘Maritess.’

Kaya naman sa episode ng kaniyang radio program na Cristy Fer Minute nitong Setyembre 11, tila pinuri ni Cristy ang angking husay ng mga ‘Maritess’ sa pagkalap ng mga ‘resibo’ o pruweba ng mga showbiz issues, na mabilis na kumakalat sa social media.

Cristy Fermin – Manila Bulletin
Cristy Fermin (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Nasabi niya ito matapos maglabas ang mga Maritess ng kanilang mga patunay, na umano’y magpapatunay na hindi lang isang araw na magkasama (as friends) sina Paolo Contis at Yen Santos sa Baguio City. Bukod sa video at mga larawan na naglalakad-lakad sila, may mga lumabas ding larawan na sila ay magkasama habang kumakain ng ramen.

Ayon sa beteranang kolumnista, wala na raw kawala ngayon ang mga artista, hindi na uubra ang mga patago-tago, dahil talagang tinututukan sila ng mga Maritess o makabagong tawag sa mga chismosa.

“Meron silang mga sariling camera. Kumpleto sila ng equipment. Para na silang mga undercover agents, mga detective. Matitindi na po ngayon, wala nang kawala ang mga artista, talagang tinututukan ng mga Maritess. Hindi na sila makakaligtas,” natatawang pahayag ni Cristy.

Larawan mula sa Freepik

Ito umano ang dahilan kung bakit wala na masyadong showbiz talk show sa mga TV network gaya ng ‘The Buzz,’ ‘Startalk,’ ‘Showbiz Central,’ at iba pa. Mabilis na umano ang pagkalat ng chika sa social media, at ito na rin ang mabilis na paraang ginagamit ng mga showbiz personalities upang maglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa mga isyung kinasasangkutan nila.

Tags: chismisCristy FerminMaritess
Previous Post

Dream big! John Arcilla, buhay na patotoo sa ‘Law of Attraction’

Next Post

OCTA: Reproduction number sa NCR, bahagya pang tumaas

Next Post
September 8 COVID-19 cases: Mahigit 17K, ‘di 12,751 — DOH

OCTA: Reproduction number sa NCR, bahagya pang tumaas

Broom Broom Balita

  • DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’
  • Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS
  • 143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte
  • Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo
  • Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang
DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

DJ Chacha, ‘ghinosting’ ng insurance agent: ‘After mabigay bayad parang hindi n’yo na ‘ko kilala’

August 18, 2022
Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

Calamity loan, puwede na para sa mga nilindol sa N. Luzon — SSS

August 18, 2022
143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

143, tinamaan ng diarrhea outbreak sa Davao del Norte

August 18, 2022
Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

Chito Miranda, tiwala sa vision ni Neri pagdating sa pagnenegosyo

August 18, 2022
Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

Grupo ng US senators na bibisita sana kay De Lima, hinarang

August 18, 2022
Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

Indigent students, makatatanggap ng financial aid kada Sabado — DSWD

August 18, 2022
Mayor Honey: Mga mag-aaral sa Maynila, ligtas sa COVID-19 at dengue

Paglalabas ng monthly allowance sa UDM, nilagdaan na ni Mayor Honey

August 18, 2022
Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

Dating barangay chairman, nahaharap sa 3 mabibigat na kaso

August 18, 2022
Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

Bodega, sinalakay! Libu-libong sakong asukal, nadiskubre sa Pampanga

August 18, 2022
Nabakunahan vs COVID-19 sa Caloocan City, umabot na sa 200K

OCTA: Covid-19 cases sa NCR, nasa downward trend na!

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.