• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Tourism video ni Kisses Delavin sa MUP, humataw sa views; top 5, kilalanin!

Raymond Lumagsao by Raymond Lumagsao
September 11, 2021
in Balita, Features
0
Tourism video ni Kisses Delavin sa MUP, humataw sa views; top 5, kilalanin!

Screengrab sa tourism video ni Delavin sa Empire Philippines Youtube Channel

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Pasabog ang production ng mga delegada ng Miss Universe Philippines (MUP) 2021 sa feature challenge ng kompetisyon, ang tourism video, kung saan tampok ang kamangha-manghang paraiso sa mga probinsya at lungsod na pinagmulan ng mga kandidata.

Tumabo na agad ng hindi bababa sa dalawang milyon ang kabuuang views ng lahat ng tourism videos halos limang araw mula nang simula itong maging available sa Youtube channel ng Empire Philippines, ang organizer at may hawak ng Miss Universe Philippines franchise.

Narito ang top 5 most viewed tourism videos sa ngayon.

Katrina Dimaranan, Taguig City (Top 5) 

Tinampok ng pambato ng Taguig ang dahil sa likod ng taguring “probinsyudad” sa lungsod kung saan nagtatagpo ang mayamang kultura, napanatiling kalikasan sa mayabong na komersyo ng lugar. Naipakita rin ang nagtataasang gusali na simbolo ng detalyado at mabusising arkitektura sa lungsod. Sa huli, pinagmalaki ng Taguig bet ang yaman ng lungsod sa kultura, tao at pagkain.

PANUORIN: Tourism video ni Katrina Dimaranan

Rousanne Marie Bernos, San Juan City (Top 4)

Naipamalas ng San Juan delegate ang mayamang kultura ng lungsod mula sa unang rebolusyon sa bansa hanggang sa mayamang bakas ng kahapon sa mga museo at mga simbahan. Para sa kandidata, ang komersyo sa lungsod ay isang patunay na nagtagpo ang kasaysayan at kasalukuyan sa San Juan City.

PANUORIN: Tourism video ni Rousanne Marie Bernos

Steffi Rose Aberasturi, Cebu Province (Top 3)

Virtual adventure naman ang hatid ng pambato ng Cebu Province. Tampok ng kandidata ang ilang wonders of nature sa probinsya kabilang ang mga nakatagong talon at mayuming katubigan sa probinsya ng Cebu. Ibinida rin ng delegada ang nangungunang panlasa ng probinsya sa mga kilalang pagkain ng rehiyon.

PANUORIN: Tourism video ni Steffi Rose Aberasturi

Maureen Christa Wroblewitz, Pangasinan (Top 2)

Sa halos talong minutong tourism video ng Pangasinan pride, nakakalulang ganda naman ang ipinamalas ng probinsya. Mula sa pambungad na rehiyunal na wika, tampok ang mayamang kalikasan, kultura at pagkakaisa ng mga tao sa lugar tuwing kapiyestahan ng ani. Ipinagmalaki ng kandidata ang Hundred Islands, Lady Manaoag, Bagus Festival, Bamboo Statue of San Vicente Ferrer at ang mayamang kaugalian ng mga tao sa probinsya.

Panuorin: Tourism video ni Maureen Christa Wroblewitz

Kirsten Danielle Delavin, Masbate (Top 1)

Nagbalik-tanaw ang kandidata ng Masbate sa alaalang inukit ng paraisong nakagisnan sa probinsya. Tampok sa kaniyang tourism video ang kamangha-manghang mga karagatan at kabundukan ng rehiyon. Isang karangalan para sa kandidata ang maging kinatawan ng kaniyang kinalakhang probinsya na hindi lang destinasyon kundi isa ring tahanan.

PANOURIN: Tourism video ni Kirsten Danielle Delavin

Gaganapin ang coronation night ng MUP 2021 sa katapusan ng Setyembre via ktx.ph.

Tags: Ayn BernosKatrina DimarananKisses DelavinMaureen WroblewitzMiss Universe Philippines 2021MUPSteffi Rose Aberasturi
Previous Post

#JustLOVe: ABS-CBN, may pa-teaser sa ‘precious jewel’ na bagong Kapamilya

Next Post

RR Enriquez, sumawsaw: Kaming mga babae hindi sumasama sa lalaki mag-isa ‘as a friend’ lalo ang layo ng bibiyahihin namin!

Broom Broom Balita

  • MRT-3, magkakaloob ng 20% discount sa mga estudyante sa Agosto 22
  • Sugar Regulatory Administration, babalasahin ni Marcos
  • Preggy na si Antonette Gail, muntik sumailalim sa surgery
  • Atty. Leni, Angat Buhay, namahagi ng school shoes sa mga batang mag-aaral sa CamSur
  • Ilang estudyante ng WVSU College of Law kung saan magtuturo si ‘Prof. Liza Marcos’ nagsuot ng protest shirt
50 sa 72 bagon, na-overhaul na ng MRT-3

MRT-3, magkakaloob ng 20% discount sa mga estudyante sa Agosto 22

August 17, 2022
Sugar Regulatory Administration, babalasahin ni Marcos

Sugar Regulatory Administration, babalasahin ni Marcos

August 17, 2022
Preggy na si Antonette Gail, muntik sumailalim sa surgery

Preggy na si Antonette Gail, muntik sumailalim sa surgery

August 17, 2022
Atty. Leni, Angat Buhay, namahagi ng school shoes sa mga batang mag-aaral sa CamSur

Atty. Leni, Angat Buhay, namahagi ng school shoes sa mga batang mag-aaral sa CamSur

August 17, 2022
Ilang estudyante ng WVSU College of Law kung saan magtuturo si ‘Prof. Liza Marcos’ nagsuot ng protest shirt

Ilang estudyante ng WVSU College of Law kung saan magtuturo si ‘Prof. Liza Marcos’ nagsuot ng protest shirt

August 17, 2022
Jane De Leon, lalong sumisikat; Facebook followers, tumabo na ng pitong milyon

Jane De Leon, lalong sumisikat; Facebook followers, tumabo na ng pitong milyon

August 17, 2022
5 araw bago ang pasukan: Enrollees para sa SY 2022-2023, 21.8M na

5 araw bago ang pasukan: Enrollees para sa SY 2022-2023, 21.8M na

August 17, 2022
Mga netizen, naantig sa isang lalaking nagtanggal ng tsinelas sa loob ng pawnshop

Mga netizen, naantig sa isang lalaking nagtanggal ng tsinelas sa loob ng pawnshop

August 17, 2022
Election lawyer: ‘Abuse of power panukalang pagpapaliban ng Brgy., SK elections’

Election lawyer: ‘Abuse of power panukalang pagpapaliban ng Brgy., SK elections’

August 17, 2022
Sharon, nanawagan ng dasal para sa kaibigan, pamangking may sakit: ‘Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit’

Sharon, nanawagan ng dasal para sa kaibigan, pamangking may sakit: ‘Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit’

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.