• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Pilipinas, matulungin at maawain sa mga refugee

Balita Online by Balita Online
September 10, 2021
in Opinyon, PAGTANAW AT PANANAW
0
Pilipinas, matulungin at maawain sa mga refugee
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Kahit kailan, ang Pilipinas ay matulungin at mahabagin sa nangangailangang mga tao sa mundo na biktima ng giyera, karahasan at kalamidad.

Ito ay napatunayan na noong nakaraang mga taon nang tanggapin ni dating Pangulong Manuel Quezon ang mga biktima ng kalupitan ni Adolf Hitler na lipulin ang mga Hudyo, partikular ang mga mamamayan ng Israel.

Tinanggap nang buong puso ng Pilipinas ang nagsitakas at pinagmalupitang Israeli ng mga Nazi na nagluwal sa tinatawag na HOLOCAUST. Milyun-milyong Jews ang pinapatay ni Hitler.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. noong Miyerkules nang gabi ang pagdating ng unang bugso ng Afghan refugees sa ating bansa matapos manalo ang Taliban sa Afghanistan.
       

“We stay steady where others waver: tonight we welcome Afghan nationals including women and kids seeking refuge,” sabi ng Ingleserong si Locsin sa kanyang Tweet. Hindi binanggit ni Locsin kung ilan ang Afghan refugees na dumating sa Pilipinas.

Pinasalamatan niya sina Finance Secretary Carlos Dominguez III at ang kapatid na si Paul Dominguez sa pagdadala sa atensiyon ng Department of Foreign Affairs at Department of Justice ng isyu ng mga refugee mula sa Afghanistan.

“Bukas ang mga pintuan natin sa nagsisitakas sa digmaan, persekusyon, sexual abuse at kamatayan. Salamat Sonny at Paul Dominguez, Vince Dizon sa pagdadala sa ating atensiyon ng kalagayan ng mga refugees ” saad ni Locsin.

Niliinaw ni Locsin na tatanggap lang ang Pilipinas ng refugees alinsunod sa government-to-government basis at hindi tatanggap ng ano mang pakiusap sa asylum mula sa NGOs o iba pang non-state parties.Kaugnay nito, inulit ng United Nations High Commissioner for Refugees ang panawagan sa mga kalapit na bansa na panatilihing bukas ang mga hangganan o borders para sa nagsisitakas na refugees mula sa Afghanistan.

Ayon sa UN refugee agency, may 3.5 milyong tao ang na-displace sa Afghanistan, at marami sa kanila ang nais tumawid at magpunta sa ibang mga bansa, gaya ng Pakistan o Iran. 

Previous Post

Makabayan members Cullamat, Gaite, hiniling ang maagang pagbaba sa puwesto ni Roque

Next Post

‘Hoy, mga p*nyeta!’ Paulo Avelino, napamura nang makita ang video na pinalitan ng mukha niya

Next Post
‘Hoy, mga p*nyeta!’ Paulo Avelino, napamura nang makita ang video na pinalitan ng mukha niya

'Hoy, mga p*nyeta!' Paulo Avelino, napamura nang makita ang video na pinalitan ng mukha niya

Broom Broom Balita

  • Jennica Garcia, nagkalkal, kilig na kilig sa ‘may spark pa rin’ na ex-couple na sina Heart at Echo
  • Mga nasawi sa bumagsak na temple roof sa India, umakyat na sa 35
  • Pope Francis, pagaling na sa bronchitis dahil sa antibiotics – Vatican
  • Mga provincial bus, puwede na ulit sa EDSA
  • Buwelta ng ina ni Jake Zyrus na tumalak sa kaniyang si Ogie Diaz: ‘Wait ka lang d’yan, bibigyan kita…’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.