• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Giselle Sanchez kay Paolo Contis: “Makinig ka sa akin! Kaya mo pang isalba ‘yan!”

Richard de Leon by Richard de Leon
September 8, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Giselle Sanchez kay Paolo Contis: “Makinig ka sa akin! Kaya mo pang isalba ‘yan!”

Giselle Sanchez, Paolo Contis, at LJ Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

May espesyal na pitak o kolum ang mahusay na komedyante, host, aktres, at beauty title holder na si Giselle Sanchez kay Paolo Contis kaugnay ng isyung kinasasangkutan nito, sa Manila Bulletin.

Basahin: https://mb.com.ph/2021/09/05/gossip-girl-paolo-contis-can-still-save-relationship-with-lj-reyes/

Naniniwala si Giselle na may pag-asa pang maisalba ang relasyon nina Paolo at LJ. Anim na taon din ang kanilang pagsasama, at biniyayaan pa sila ng isang anak na si Summer, bukod pa kay Aki (anak nina LJ Reyes at Paulo Avelino), na itinuring na rin niyang parang sariling anak.

Batay umano sa napanood niyang panayam ni Tito Boy Abunda kay LJ, nakikita umano niyang kaya pang mapatawad ni LJ si Paolo sa anumang ‘pagkakamaling’ nagawa nito sa kanilang relasyon, na humantong na nga sa hiwalayan. Sa ngayon daw, nasasaktan pa ang puso ni LJ sa mga pangyayari.

Tila pinangaralan ng isang ‘ate’ si Paolo.

“Paolo, if you are reading this, please listen to your Ate Giselle. We have worked together ever since you were a kid. I saw you grow up from “Ang TV” to Okatokat. I saw you grow to be a good boy to a good father and husband. Please don’t throw this family away who love you dearly,” ani Giselle.

Giselle Sanchez, Paolo Contis, at LJ Reyes (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Inamin ni Giselle na ang kaniyang simpatya ay na kay LJ, matapos niyang marinig ang mga pahayag nito sa panayam. Bilib din siya rito dahil nagpakatatag ito at nanindigan sa kanilang relasyon ni Paolo.

” I really admire LJ for her strength and for her zeal to be committed to the relationship. In relationships, there may be times that you may have a good reason to get out. They did things to hurt you, and they let you down,” giit ni Giselle.

“You could justify walking away. Nobody would fault you, but when you’re committed, you show mercy, you give second chances, you make allowances for mistakes. They may not deserve it, they may be guilty, but only the guilty need mercy,” dagdag pa niya.

Inisa-isa rin niya ang ilang mahahalagang pahayag mula kay LJ, gaya ng paglaban nito na mapanatili pa ang kanilang relasyon kahit na pakiramdam niya ay ‘ibang tao’ na si Paolo, binabaan niya ang kaniyang pride alang-alang sa kanilang anak, dahil nais niyang magkaroon sila ng matatawag na kumpletong pamilya, kaya muling tinanong ni LJ si Paolo kung maisasalba pa nila ang lahat, subalit tumanggi na si Paolo.

Sa buong panayam ni LJ kay Tito Boy, hindi pa rin malinaw kung ano ba talaga ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan: kung nagkasawaan ba sila, may problema sa pera, o may third party. Sa ngayon, ang naghuhumiyaw na dahilang ibinabato ng netizens ay ang ikatlong rason, at ang mga babaeng iniuugnay at pinupukol ngayon ng bato ay sina Yen Santos, at ang dating ex-partner ni Jomary Yllana na si Joy Reyes.

Tags: Giselle Sanchezlj reyesopen letterPaolo Contisunsolicited advice
Previous Post

Darren Espanto, ipinasilip ang kaniyang abs; netizens, nawindang

Next Post

Metro Manila, 14 pang lugar, Signal No.2 sa bagyong ‘Jolina’

Next Post
Metro Manila, 14 pang lugar, Signal No.2 sa bagyong ‘Jolina’

Metro Manila, 14 pang lugar, Signal No.2 sa bagyong 'Jolina'

Broom Broom Balita

  • Ex-‘bold star’ Sunshine Cruz, pinagsisihan noon ang naging past: ‘Hindi lang ako sexy star’
  • Kapuso audience, bitin sa 20-minutong trending show ni Boy Abunda, hirit ang dagdag airtime
  • Kilalang fast food resto, naglabas ng pahayag kaugnay ng binatikos na ad
  • Warden, 35 tauhan ng detention center ng BI sa Taguig, sinibak
  • ‘Mamukadkad ka, Pilipinas!’ Pinoy expat, nagpinta ng namumulaklak na mapa ng PH
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.