• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Dalawang babae, maglalaban sa presidency sa 2022 elections?

Balita Online by Balita Online
September 7, 2021
in Balita, National / Metro, PAGTANAW AT PANANAW
0
48% ng pamilyang Pinoy ang nagsabing ‘mahirap’ sila
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Mukhang dalawang babae ang maglalaban sa panguluhan sa 2022 elections. Sila ay parehong maganda, matalino at abogado. Talaga nga naman, ang babaing Pinay ay maganda na, magaling at matalino pa.

Sila ay sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, anak ni President Rodrigo Roa Duterte (PRRD), at Vice President Leni Robredo, biyuda ni dating DILG Sec. Jesse Robredo. Gayunman, walang sinuman kina Sara at Leni ang nagpapahayag na sila ay tatakbo sa presidency sa susunod na taon.

 Kung ang pagbabasehan ay surveys, mataas ang rating ni Inday Sara kumpara kay VP Leni. Siya ang nangunguna sa mga survey kasunod si Manila Mayor Isko Moreno. Malayo sa survey si Robredo.

Noong Lunes, sinabi ni VP Leni na wala siyang balak na tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elections. Ayon sa biyuda ni Jesse Robredo, masusi pa siyang nag-iisip sa susunod na halalan, pero ang tiyak ay hindi siya tatakbo bilang senador.

“Puwede akong tumakbo sa lokal na posisyon, maaari akong magretiro na, maaaring tumulong na lang ako sa susunod na administrasyon kung hindi ako tatakbo sa pagka-pangulo. Gayunman, siya ay bukas sa pagtakbo sa presidency at labis na nagpapasalamat sa pagtitiwala at suporta ng mga grupo na humihikayat sa kanyang tumakbo. “I don’t take this lightly and I continue to give serious thought to this,” ayon sa Bise Presidente.

Sa kabilang dako, maraming grupong-pulitikal ang humihimok kay Mayor Sara na tumakbo sa panguluhan. Siya ang nagtatag ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), isang malakas na partido-pulitikal sa rehiyon. Nangunguna sa nag-aanyaya kay Sara ang PDP-Laban na partido ng kanyang ama. Naniniwala ang mga supporter na may sapat siyang kakayahan para maging lider ng bansa.               

May sarili at malayang pag-iisip at pananaw si Inday Sara. Sa katunayan, kinokontra niya maging ang amang Pangulo kapag hindi niya nagugustuhan ang pahayag nito. Halimbawa, nais ni PRRD na maging katambal niya si Sen. Christopher “Bong” Go. Sinupalpal niya ang ama at sinabing hayaan siyang magpasiya. Kinontra rin niya ang amang Pangulo nang sabihing nagtungo si Sen. Imee Marcos sa Davao City para maging ka-tandem ni Sara. Wala raw silang pinag-usapan ni Imee tungkol dito.                  

Samantala, kung may mga isyu at pumupustura na sa pambansang eleksiyon, aba, may pumupustura na rin sa mga lokal na halalan. Kabilang dito ang Bulacan. Nagpahayag si Bulacan Vice Gov. Willy Sy-Alvarado sa pagtakbo sa pagka-governor sa lalawigan.
         
Ayon kay Alvarado na dating Bulacan governor, manunumpa siya bilang miyembro ng PDP-Laban sa ilalim ng liderato ni Energy Sec. Alfonso Cusi. Lalabanan niya ang incumbent governor na si Daniel Fernando. Siya ang magiging official candidate ng partido laban kay Fernando.                  

Ang magiging ka-tandem niya ay si ex-Bulacan Gov. Joselito Mendoza. Siya ay kapatid ng dating gobernadora Josie dela Cruz na naging General Postmaster din. Isipin ninyo, dating magkapartido at magkaalyado sina Alvardo at Padilla, pero ngayon ay mahigpit na magkaaway sa pulitika. 

Tags: Sara DVice President Leni Robredo
Previous Post

Ina ni Antonette kay Whamos: ‘Kailan mo balak iuwi ang anak kong sinilaw mo sa materyal na bagay?’

Next Post

Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Next Post
Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Presyo ng gasolina, pinatungan ng ₱0.60 per liter

Broom Broom Balita

  • Ginawaran ng posthumous award: Lamay ni Lt. Col. Serna, binisita ng PNP chief
  • Rape suspect, top wanted ng Laguna, arestado
  • Barangay kagawad, patay sa pamamaril sa Bulacan
  • Instant milyonaryo! P39-M, nasolo ng masuwerteng mananaya nang tamaan ang Grand Lotto jackpot
  • Graft vs DA officials, isinampa sa Ombudsman dahil sa ASF sa Cebu
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.