• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

2 LPAs, magpapaulan sa Cagayan Valley, Eastern Visayas, Mindanao — PAGASA

Balita Online by Balita Online
September 5, 2021
in Balita, National / Metro
0
2 LPAs, magpapaulan sa Cagayan Valley, Eastern Visayas, Mindanao — PAGASA

Screengrab mula PAGASA

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure areas (LPAs) sa loob ng area of responsibility ng bansa nitong Linggo, Setyembre 5.

Kasabay rin na binabantayan ng weather agency ang pangatlong LPA sa labas naman ng Philippine area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ng PAGASA ang dalawang LPAs sa layong 190 kilometers (km) west-southwest sa Basco Batanes at 465 km east sa Guiuan, Eastern Samar.

Dahil dito magdadala ng maulap na panahon at kalat-kalat hanggang malalakas na pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Babuyan Islands, Biliran, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Samar, Southern Leyte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.

Samantala, patuloy namang makararanas ng maulap na panahon na maaaring maghatid ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at ilan pang natitirang bahagi ng bansa.

Namataan ang pangatlong LPA 1,620 kilometro, Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, maaaring humina ang isa sa dalawang LPAs sa Silangang bahagi ng Visayas habang tutumbukin ng isa pa ang eastern seaboard ng Luzon at mapapanatili naman ang lakas nito.

Mababa naman ang tiyansa na magiging bagyo ang naturang LPA.

Patuloy na magbabantay ang PAGASA para sa posibleng pagbabago ng forecast.

Sa estima ng ahensya, dalawa hanggang tatlong bagyo ang maaaring pumasok sa bansa ngayong Setyembre. Papangalanang “Jolina”, “Kiko,” at “Lannie,” ang mga ito.

Ellalyn De Vera-Ruiz

Tags: Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)
Previous Post

Ang sweet! Paulo Avelino, ‘ginagastusan’ nga ba ang pagkain ni Janine Gutierrez?

Next Post

4.9 magnitude na lindol, naramdaman sa Negros Occidental — Phivolcs

Next Post

4.9 magnitude na lindol, naramdaman sa Negros Occidental -- Phivolcs

Broom Broom Balita

  • Timeout muna: Mga manlalaro ng Magic, Timberwolves nagsuntukan
  • Hontiveros, Pangilinan, nakipagpulong sa onion farmers sa Occidental Mindoro
  • ‘Valentina,’ may new look para sa finale ng ‘Darna’
  • Magnitude 4.9 na lindol, tumama sa Davao Occidental
  • Guanzon sa planong pagbuo ng WRMO: ‘They might pack this Office with incompetent cronies’
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.