• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Features

Wow mali! Halamang dinidiligan ng babae sa loob ng dalawang taon, plastik lang pala

Richard de Leon by Richard de Leon
September 4, 2021
in Features
0
Wow mali! Halamang dinidiligan ng babae sa loob ng dalawang taon, plastik lang pala

Larawan mula sa FB at IG/Caelie Wilkes

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Natawa na lamang at napakamot sa kaniyang ulo si Caelie Wilkes mula sa California nang matuklasan niyang ang halamang araw-araw na dinidiligan at inaalagan, hindi pala tunay na halaman, kung hindi plastik lang pala!

‘Living a lie’ ang peg ni Wilkes, na bagama’t 2020 pa nangyari ito, ay patuloy na pinag-uusapan online. Palaisipan pa kasi sa mga netizens kung bakit sa hinahaba-haba raw kasi ng panahon, bakit hindi kaagad natuklasan na plastik lang pala ang halaman?

Ayon kay Wilkes, isang plain housewife, dinidiligan niya ang alagang halaman na succulent at hindi niya hinahayaang malanta. Nang binunot daw niya ang succulent upang ilipat sa ibang paso, nahirapan siyang tanggalin ito sa pinagtatamnang lumang paso. Nang mabasag ang lumang paso ay saka niya nakita at nalaman na hindi pala lupa ang pinagtatamnan nito kung hindi styrofoam na may buhangin na mukhang totoong lupa.

Batay sa kaniyang mga IG post ay ‘certified plantita’ si Wilkes kaya naman maaaring sa dami ng succulent na kaniyang inaalagaan, hindi na niya alam kung alin ang totoo sa plastik.

“Love my plant baby even if they’re not real,” nasabi na lamang niya sa caption ng kaniyang IG post.

Larawan mula sa IG/Caelie Wilkes
No photo description available.
Larawan mula sa FB/Caelie Wilkes

Dahil sa nakatatawang pangyayaring ito, agad niya itong ibinahagi sa kaniyang Facebook account. Ang ending? Nakatanggap siya ng iba’t ibang tunay na succulent na halaman mula sa iba’t ibang mga sikat na home improvement store para hindi na siya madismaya sa kaniyang karanasan.

Samantala, natawa rin ang mga netizens na nakabasa ng balitang ito. Ang ilan ay nakapagbigay pa ng kani-kanilang mga ‘hugot.’

“Parang yung friendship n’yo ng kaibigan mo… pinilit mong i-work out at palaguin. You end up knowing na plastic pala s’ya,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Sa buhay ng tao, pwede din siya ihalintulad, bandang huli wala palang tiwala sa iyo kahit ibinibigay mo na ang lahat hehehe, ‘yun pala plastic lang ang treatment sa iyo. HUGOT 101.”

“Wala ‘yan sa pinagkaiba sa nag-alaga ka at nagmahal ka ng taong akala mo totoo pero pina-prank ka lang pala. Chareng!” wika naman ng isa.

Tags: Caelie Wilkesplastic succulent
Previous Post

Kakandidato? Desisyon ni Robredo, ilalabas ngayong Setyembre

Next Post

4 construction workers, natabunan ng gumuhong bundok sa N. Vizcaya, patay

Next Post
4 construction workers, natabunan ng gumuhong bundok sa N. Vizcaya, patay

4 construction workers, natabunan ng gumuhong bundok sa N. Vizcaya, patay

Broom Broom Balita

  • 10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od
  • Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?
  • Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?
  • Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito
  • Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?
10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

10,366 na turista, bumisita sa pinakamatandang tattoo artist na si Apo Whang-od

May 17, 2022
Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

Cebu Pacific Air, humingi ng paumanhin kay VP Robredo; Sangkot na piloto, parurusahan?

May 17, 2022
Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

Sino nga ba ang photographer sa likod ng Philippine eagle sa ₱1,000 banknote?

May 17, 2022
Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

Senador Manny Pacquiao, binigyang-pugay si Mommy D sa ika-73 kaarawan nito

May 17, 2022
Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

Toni Fowler at Vince Flores, opisyal nang mag-jowa; Rob Moya, etsa-puwera na?

May 17, 2022
Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

Ano nga ba ang dahilan ng pagpanaw ng ‘The Dub King’ na si Jules Eusebio?

May 17, 2022
NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

NFA rice, ibabalik sa merkado — DA

May 17, 2022
1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

1 na lang: 172 COCs, nabilang na! — Comelec

May 16, 2022
Covid-19 positive, puwede pa ring bumoto — health expert

Infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana, next DOH secretary?

May 16, 2022
Bagong kaso ng COVID-19 sa Paranaque City, bumaba sa 99

Parañaque City LGU, mamamahagi ng financial assistance sa college students

May 16, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.