• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

‘Who wore it best’ memes nina Julia, Heaven, at Yen, patok sa mga netizens

Richard de Leon by Richard de Leon
September 4, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
‘Who wore it best’ memes nina Julia, Heaven, at Yen, patok sa mga netizens

Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos (Larawan mula sa FB/The Scoop)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sadya nga bang damit ang tinutukoy o may iba pang nais ipahiwatig?

Bentang-benta ngayon sa mga netizens ang memes na inilabas ng Facebook page na ‘The Scoop’ hinggil kina Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos.

Makikita kasi sa tatlong pinaghambing-hambing na larawan nila na pawang nakasuot sila ng itim na sando. Saad sa caption, “Who wore it best: Julia, Heaven, or Yen?”

May be an image of 3 people, people standing and dog
Larawan mula sa FB/The Scoop

At dahil sa mainit na isyung kinasasangkutan ngayon ni Yen, dahil sa lumabas na mga larawan at video na siya umano ang mystery girl na kasa-kasama ng aktor na si Paolo Contis sa Baguio City, sa kasagsagan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes, marami ang nagbigay-interpretasyon na ang pinatutungkulan talaga ng meme na iyon ay ang kanilang mga kinasangkutang isyu sa kani-kanilang mga pakikipagrelasyon.

Ang common denominator umano ng tatlo, pare-pareho silang inaakusahan ng ‘panunulot’ o third party sa relasyon.

Ang iba naman ay ininterpret pa ang pagkakagamit ng salitang ‘Who wore’ na tunog ‘whore’ daw.

Si Julia Barretto ang itinuturong dahilan kung bakit umano naghiwalay sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Si Heaven Peralejo naman ang itinuturong third party kung bakit naghiwalay ng landas sina Kiko Estrada at Devon Seron.

Julia Barretto, Heaven Peralejo, at Yen Santos (Larawan mula sa Manila Bulletin)

At panghuli nga, si Yen Santos naman ang sinasabing rason kung bakit nanlamig na si Paolo Contis sa pakikipagrelasyon kay LJ Reyes. May pelikula sina Yen at Paolo na ‘A Faraway Land.’

Tags: Heaven PeralejoJulia BarrettoYen Santos
Previous Post

Araw ng wedding, naging araw ng libing para sa groom na pumanaw sa asthma

Next Post

DJ Mo Twister, may pasaring na tweet nga ba kina Paolo at Yen?

Next Post
DJ Mo Twister, may pasaring na tweet nga ba kina Paolo at Yen?

DJ Mo Twister, may pasaring na tweet nga ba kina Paolo at Yen?

Broom Broom Balita

  • 8 katao, isinugod sa ospital dahil sa umano’y chlorine leak sa Malabon
  • Premyo ng Ultra Lotto at Mega Lotto, hindi napanalunan! 
  • James Yap, naka-2 pts. lang: Rain or Shine, ipinahiya ng TNT
  • DOH, PNAC naglabas ng plano para maaksyunan ang HIV, AIDS epidemic sa bansa
  • Painting ng isang artist, nagmukhang blurred na larawan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.