• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Nickstradamus: Bituin sa Langit

Balita Online by Balita Online
September 4, 2021
in Balita, Hulascope, Libangan, Nickstradamus
0
Nickstradamus: Bituin sa Langit
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

NICKSTRADAMUS
ni Nick Nañgit

BITUIN SA LANGIT (Weekly Horoscope: 5 – 11 Setyembre)

Aries (21 Marso hanggang 20 Abril)

Dala dala mo ang tapang at kagustuhang sundin ka ng lahat ng iyong makakasalamuha pag pasok ng linggo. Pagdating ng Bagong Buwan, kailangang may tumulong sa iyo, para hindi uminit ang ulo mo at para balansehin ang mga gusto mong mangyari. Kung walang tutulong sa iyo, maaantala ang iyong mga plano.

Taurus (21 Abril hanggang 21 Mayo)

Mabagal ang pasok ng linggo. Darating ang pag-asa mo sa kalagitnaan, lalo na sa aspetong may tutuligsa sa iyo. Kaya mong harapin ang mga suliranin. May malalaman kang lihim na matagal nang bumabagabag sa iyong isipan.

Gemini (22 Mayo hanggang 21 Hunyo)

Sa kalagitnaan ng linggong ito, saka mo pa lamang mararamdaman ang kaayusan ng iyong mundo. Kaya lang, imbes na ikaw ang makikinabang sa iyong pinagsikapan, iba ang kukuha ng papuri. Hayaan mo lang. Huwag mabahala.

Cancer (22 Hunyo hanggang 22 Hulyo)

Hindi para sa iyo ang linggong ito. Puro kapusukan ang nasa iyong paligid. Masasaktan ka lamang. Magkakaroon ka ng kakampi pagsapit ng katapusan. Samantala, magtira ka para sa iyong sarili, at mahalin mo ang kabuuan mo. Kung may gusto kang simulan, sa Bagong Buwan mo ito gawin.

Leo (23 Hulyo hanggang 22 Agosto)

Masigla at maunawain ka sa pagpasok ng Bagong Buwan. Tila sisipagin ka at tutulong ayusin ang mga bagay bagay hanggang sa matapos ang mga ito. Hindi ka matitinag sa mga problema. Bago magwakas ang linggo, saka mo mararamdaman ang kahalagahan ng pamilya, kaya buhos ang iyong kalooban.

Virgo (23 Agosto hanggang 22 Septyembre)

Dahil panahon mo na ito, makararanas ka ng maraming responsibilidad na makakayanan mo namang gampanan. Yung sigla at pagod sa simula ay mapapalitan ng ginhawa at kahinahunan bago matapos ang linggo. Ayusin ng maaga ang mga isusulong, para malagpasan na ang mga pagsubok.

Libra (23 Septyembre hanggang 22 Oktubre)

Tila lutang ka lang sa pagpasok ng linggo, pero makararamdam ka rin ng bagong sigla sa kalagitnaan nito. Magkakaroon ka ng pag-asang maaayos mo rin ang iyong sarili at pamilya. Walang sasagabal sa iyo, at maging ang iyong pangangatawan ay magiging maayos. Basta’t yan ay sa kabutihan, makukuha mo rin ang gusto mo.

Scorpio (23 Oktubre hanggang 21 Nobyembre)

Hindi kagaya noong nakalipas na linggo, ang sigla mo ngayong linggong ito ay lalong iigting hanggang sa matapos ito. Gawin mong muli ang mga naantalang proyekto sa iyong hanapbuhay. Manatiling malumanay. Kusang lalabas ang katotohanan.

Sagittarius (22 Nobyembre hanggang 21 Disyembre)

Tila maraming dugo at pawis ang mawawala sa iyo, dahil tututukan mo ang isang bagay na biglang nagpahirap sa iyong mundong ginagalawan. Makinig lang. Panatiliing bukas ang isipan, para sa mga pagbabagong darating.

Capricorn (22 Disyembre hanggang 19 Enero)

Ito ang panahon na huwag ipipilit ang gusto ng iba. Yung inaakala mong magagampanan mo ng maayos, ay hindi pala. Matuto kang yumuko. Panindigan mo ang kabutihan. Kung ikaw ang namemerhuwisyo sa iba, itigil mo na yan. Kung ikaw naman ang pineperhuwisyo, ipakita mo ang iyong paninindigan.

Aquarius (20 Enero hanggang 18 Pebrero)

Ramdam na ramdam mo ang bilis ng mga pagbabago at buong buo mo silang haharapin. Tapang at linaw ng pag-iisip ang mararamdaman mo, kaya hindi ka panghihinaan ng kalooban. Ituloy mo lang ang mga dapat gawin para sa ikauunlad ng pamumuhay.

Pisces (19 Pebrero hanggang 20 Marso)

Pagkatapos ng Bagong Buwan, saka mo makikita ang mga naikubli. Parang hindi ikaw ang gaganap sa mga tungkulin ngayong linggo. Ibang kasipagan na madadagdagan pa ng mapanuring mga mata sa kilos at salita ng iba ang iyong mararamdaman. Ituloy lang ang mga sinimulan, pero huwag sisisihin ang iba.

Para sa Pagbabasa ng Orakulo gamit ang tarot cards, sa mga angkop na Crystals, at sa iba pang katanungan tungkol sa Kababalaghan, mag mensahe lang sa sulatronikong [email protected] at panoorin din ang mga vlogs ng Nickstradamus channel sa YouTube tungkol sa astrolohiya at mga kaluluwa.

Hanggang sa muli, Liwanag, Pag-ibig, at Buhay, Namaste!

Tags: HoroscopeNick NangitWeekly Horoscope
Previous Post

DOT, nagpasalamat sa Kongreso para sa mabilis na budget proceedings

Next Post

Pawagan ng medical community kay Duterte, sa Senado: ‘Junk vape bill!’

Next Post

Pawagan ng medical community kay Duterte, sa Senado: 'Junk vape bill!'

Broom Broom Balita

  • Para kay David Licauco, isang ‘people industry’ ang showbiz—narito ang kaniyang dahilan
  • Bokya muli ang mananaya sa Grand, Mega Lotto jackpot nitong Lunes ng gabi
  • David Licauco kung nagseselos nga ba sa kaniya si Jak Roberto: ‘Hindi ko sure’
  • Umano’y tulak ng droga, timbog; P680,000 halaga ng shabu, nasamsam sa Pampanga
  • Hiling ni Mayor Degamo na i-expel si Teves, natanggap na ng ethics panel
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.