• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

Mga doktor, humihiling ng isa pang ‘timeout’ dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections

Balita Online by Balita Online
September 2, 2021
in Balita, National / Metro
0
Mga doktor, humihiling ng isa pang ‘timeout’ dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections

(ALI VICOY / MANILA BULLETIN)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa gitna ng tumataas na coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa, isang grupo ng mga doktor ang humihiling ng isa pang “timeout.”

Ayon kay Philippine College of Physicians (PCP) President Dr. Maricar Limpin sa kanyang panayam sa TeleRadyo nitong Huwebes, Setyembre 2, maraming mga doktor na ang pisikal at emosyonal na napapagod dahil sa napakaraming pasyente. 

“Hindi ko na masabing kayang-kaya katulad nung mga nakaraang araw kasi talagang medyo nakakapagod na. Ang feeling na namin parang nasusuka na kami. Ibig sabihin medyo nahihirapan na kami, ginagawa lang namin ang aming makakaya para patuloy na pagsilbihan ang mamamayang Pilipino,” ani Limpin.

Dagdag pa niya, ilan sa kanilang mga kasamahan sa Cebu ang nagsiwalat na minsan ay kailangan nilang magdesisyon umano kung sino sa mga pasyente ang mas kailangang bigyan ng ventilator o respirator sapagkat walang sapat na mga suplay.

“Hindi pa kami masyadong makapag-decide kasi pinag-uusapan pa namin. Medyo mahabang usapin ito, pagdating sa pagtawag ng timeout. Tulad din noong dati, noong nagtawag kami ng timeout, hindi naman kami yung isang saglit lang nakapagdesisyon,” ayon kay Limpin.

“Kasi kailangan talagang pag-usapan nang mabuti, matingnan namin lahat ng aspeto before kami tumawag ng timeout. Inaalam na namin kung ano yung mga sitwasyon sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, inaalam din namin kung kakayanin pa ba namin,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ni Limpin na kailangan bumaba ang kaso ng COVID-19 para gumaan ang pakiramdam ng mga health workers.

“Ang kailangan talaga mapababa natin itong kaso. That’s the only way na medyo gagaan ang aming pakiramdam. Right now bukod sa physical stress, we’re also emotionally stressed,” paglalahad niya.

Matatandaan na noong 2020, humingi ng “timeout” ang mga doktor at nurses simula Agosto 1 hanggang 15 upang ma-regroup at ma-improve ang kanilang pandemic response.

Gabriela Baron 

Tags: COVID-19healthcare workerstimeout
Previous Post

Pagkalat ng COVID-19 cases sa Metro Manila, bumabagal

Next Post

DOTr: Libreng train rides para sa mga Vaxxed APOR, extended hanggang Sept. 7!

Next Post
MRT-3, may 1-linggong libreng sakay para sa PWDs

DOTr: Libreng train rides para sa mga Vaxxed APOR, extended hanggang Sept. 7!

Broom Broom Balita

  • Mga lalabag sa exclusive motorcycle lane sa QC, huhulihin na sa Marso 27
  • Mga guro, bibigyan ng mas mataas na honoraria — Comelec
  • 4 sugar smugglers, kinasuhan ng Bureau of Customs
  • El Niño, maaaring magsimula sa third quarter ng taon – PAGASA
  • DepEd, magha-hire ng 9,650 bagong guro ngayong taon
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.