• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang mamahaling carpet sa bahay; may patutsada sa bashers

Richard de Leon by Richard de Leon
August 29, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Jinkee Pacquiao, ipinasilip ang mamahaling carpet sa bahay; may patutsada sa bashers

Larawan mula sa IG/Jinkee Pacquiao

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi pa rin maka-get over ang mga supporters at maging bashers ni Jinkee Pacquiao sa mga mamahaling designer bags at OOTD nito na umaabot ng milyones na ibinabahagi nito sa kaniyang social media accounts.

Matatandaang isa sa mga nagpatutsada sa kaniya ay ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin.

“Wala lang sa timing si Jinkee Pacquiao. Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kung mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa kaniyang kagamitan,” banat ni Cristy sa kaniyang programang “Cristy Fer Minute” sa TV5.

Larawan mula sa Manila Bulletin

“Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Ang dami-daming nagugutom na pamilya, ang dami-daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ‘yung lahat lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang. Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan,” dagdag pa nito.

Sa panibagong Instagram post ni Jinkee, tila hindi nagpakita ng pagkapikon o pagkaasar ang misis ni Manny Pacquiao hinggil sa isyung ipinupukol sa kaniya, na “wrong timing” daw ang pagpo-post niya ng mga mamahaling kagamitan sa social media, lalo na at nahaharap ang bansa sa pandemya. Sa katunayan, makikita ang kaniyang inaapakang mamahaling Fendi Casa carpet sa kanilang bahay sa Los Angeles, USA.

Biro niya sa caption na nasa wikang Bisaya, baka raw isama sa computation ng mga tao ang mamahaling carpet.
Dagdag na biro pa niya, hindi talaga sa kanila ang Fendi Casa carpet kundi sa kanilang kapitbahay doon.

Screenshot mula sa IG/Jinkee Pacquiao

Ang naturang Fendi Casa carpet collection ay nagkakahalaga mula ₱50,000 hanggang ₱500,000.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Enjoy God’s gift. A person can do nothing better than to eat and drink and find satisfaction in their own toil. This too, I see, is from the hand of God Ecclesiastes 2:24,” wika ng isa na nagbanggit pa ng bible verse.

“Naku, hayan na naman si Madam. Pati ba naman carpet, ipapakita pa?” banat naman ng isa.

“Yes, Mrs. Pacquiao! Don’t mind the bashers. Pinaghirapan mo naman ‘yan at ng asawa mo. Kapag inggit, pikit!” wika naman ng isa.

Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang isang sales attendant ng isang cosmetics brand bago sila nagkakilala ni Manny Pacquiao, noong hindi pa ito sikat. Naging daan ang tiyuhin ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, upang magkakilala sila.

Ikinasal sila noong taong 2000 at nagkaroon sila ng 5 anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Bukod sa pagiging boksingero ay marami pang negosyo sina Manny at Jinkee. Tinatayang aabot sa 15 ang business venture ng mga Pacquiao, kaya naman afford na afford ni Jinkee ang pagbili ng mga mamahaling gamit, lalo’t galing naman ito sa kanilang pinaghirapan.

Ang mga negosyo nila ay Waterotor Energy Technologies, ONE Championship, GTOKEN, JMP Mass Media Production Inc., Roadhaus Economy Hotel, Pacman Wildcard Gym, JMP Shalom Travel and Tours, Pacman H20, Team Pacquiao Store, MP Princess Digital Printing Solutions, Pacman Beach Resort, Jinkee’s Fashion World, Pacman Sports Bar, Pacman Beach House, at Revolution Precrafted.

Tags: Cristy FerminFendi Casa carpetJinkee Pacquiao
Previous Post

Nambulsa ng ayuda? Kapitan, 3 pa, timbog sa Maynila

Next Post

Throwback photos ng sisteret na sina Toni at Alex Gonzaga, kinaaliwan ng mga netizens

Next Post
Throwback photos ng sisteret na sina Toni at Alex Gonzaga, kinaaliwan ng mga netizens

Throwback photos ng sisteret na sina Toni at Alex Gonzaga, kinaaliwan ng mga netizens

Broom Broom Balita

  • Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay
  • Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’
  • 30 bahay, nasunog sa Pasay City
  • 140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic
  • ₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan
Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

Negosyante, tinamaan ng kidlat sa Cavite, patay

August 19, 2022
Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

Neri Miranda, sasabak sa masteral: ‘Never stop learning’

August 19, 2022
30 bahay, nasunog sa Pasay City

30 bahay, nasunog sa Pasay City

August 19, 2022
140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

140,000 sakong ‘puslit’ na asukal, naharang sa Subic

August 19, 2022
₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

₱220M asukal, nadiskubre sa 2 bodega sa Bulacan

August 19, 2022
Utos na umangkat ng 300K metriko toneladang asukal, illegal — Malacañang

150,000 metriko toneladang asukal, puwede nang angkatin –Malacañang

August 18, 2022
Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

Love wins! Songwriter ng campaign songs ni Leni, magpapakasal sa kaniyang partner sa Australia

August 18, 2022
Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

Maggie, di aatras sa mga kaso; lalaban di lang sa sarili kundi para sa kababaihan, kabataan

August 18, 2022
Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

Mabalacat City, all set na para sa face-to-face classes sa Agosto 22

August 18, 2022
Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

Alice Dixson, pumalag sa bashers ng pagsusuot niya ng yellow gown sa GMA Thanksgiving Gala Night

August 18, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.