• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Showbiz atbp. Celebrities

Dating aktres na si Juliana Palermo, engaged na sa Kanong boyfriend

Richard de Leon by Richard de Leon
August 29, 2021
in Celebrities, Showbiz atbp.
0
Dating aktres na si Juliana Palermo, engaged na sa Kanong boyfriend

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Engaged na ang dating aktres na si Juliana Palermo sa kaniyang American boyfriend na si Joel Cabtree.

Makikita ang anunsyo ni Juliana sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, Agosto 29, kalakip ang ilan sa mga kuhang larawan nila ni Joel, habang ipinakikita ang kanilang engagement ring.

“Nasagot na rin lahat ng bakit… I love you, Daddy,” saad ni Juliana sa kaniyang caption.

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo
Larawan mula sa IG/Juliana Palermo
Larawan mula sa IG/Juliana Palermo
Larawan mula sa IG/Juliana Palermo
Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Ilan sa mga celebrities na nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Bianca Manalo, Phoemela Baranda, Jackie Forster, at Mark Bumgarner.

Sina Juliana at Joel ay may isang anak na lalaki na nagngangalang Jack Alexander. Samantala, 10 taong gulang na ang anak ni Juliana na si Ace Christian, na anak nila ng kaniyang ex-boyfriend.

Juliana Palermo o Alvi July Juanico ay isinilang noong Hulyo 12, 1985 sa Davao City. Unang nakilala si Juliana bilang sexy actress noong 2003, at kilala rin siya bilang modelo at ‘sex guru’ sa FHM magazine. Nagwagi siya ng parangal na ‘Breakthrough Performance by an Actress award’ sa 2004 Golden Screen Awards, para sa pelikulang “www.XXX.com” ng direktor na si Tikoy Aguiluz.

Ilan sa mga pelikulang napabilang siya bilang isa sa mga cast members ay ang “Panaghoy Sa Suba” (2004), “Kaleldo” (2006), “Faces of Love” (2007), “Agent X44” (2007), “Kasal, Kasali, Kasalo” (2006), at ang sequel nitong “Sakal, Sakali, Saklolo” (2007). Noong 2011, isinilang niya ang kaniyang panganay sa kaniyang ex-boyfriend.

Larawan mula sa IG/Juliana Palermo

Madalas naman siyang napapasama sa mga shows ng Kapamilya Network gaya ng s “OK Fine Whatever,” “The Adventures of Pedro Penduko,” “Wansapanataym” at appearance sa “Maalaala Mo Kaya.”

Tags: ENGAGEDJoel CabtreeJuliana Palermo
Previous Post

Tolentino, Wong, Galanza idinagdag sa women’s indoor volleyball NT pool

Next Post

Francine Diaz, nakabili na ng bahay at sasakyan para sa pamilya

Next Post
Francine Diaz, nakabili na ng bahay at sasakyan para sa pamilya

Francine Diaz, nakabili na ng bahay at sasakyan para sa pamilya

Broom Broom Balita

  • 3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon
  • Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals
  • EJ Obiena, balik na sa sa PH team
  • PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City
  • Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week
3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

3 NPA members, patay sa sagupaan sa Sorsogon

August 17, 2022
Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

Meralco, pinataob sa Game 7: San Miguel, lalaban sa TNT sa finals

August 17, 2022
₱250,000 reward, ibibigay ni EJ Obiena sa may kanser na si Lydia de Vega

EJ Obiena, balik na sa sa PH team

August 17, 2022
Umano’y drug dealer, patay sa atake sa puso matapos arestuhin ng pulisya

PDEA, PNP, sanib-puwersa sa paglansag ng isang drug den sa Tuguegarao City

August 17, 2022
Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

Senate probe vs sugar importation, ₱2.4B ‘outdated’ laptops, kasado na next week

August 17, 2022
Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

Batang lalaki, 14, nasawi matapos damputin ang inakalang kalakal na isang live wire pala

August 17, 2022
Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ngayong Miyerkules

August 17, 2022
Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

Makakasagupa ng TNT sa finals: Meralco o San Miguel?

August 17, 2022
Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

Marian Rivera, reyna pa rin sa Facebook; followers ng Kapuso star, tumabo na ng 27M

August 17, 2022
PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

PBBM, Cong. Sandro Marcos, nagpaturok ng 2nd booster shot sa SM Manila

August 17, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.