• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Balita

OCTA: COVID-19 surge sa NCR, bumagal matapos ang 2-week ECQ

Balita Online by Balita Online
August 22, 2021
in Balita, National / Metro
0
NCR, dapat pa ring manatili sa ilalim ng GCQ hanggang sa Hulyo 31– OCTA

(Manila Bulletin)

0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Nagkaroon umano nang pagbagal sa surge ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) matapos ang ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon mula Agosto 6 hanggang Agosto 20. 

Batay sa pinakahuling monitoring report ng OCTA na inilabas nitong Linggo, sinabi nito na ang Metro Manila ay nakapagtala ng average na 3,819 COVID-19 cases kada araw mula Agosto 15 hanggang 21. 

Ito ay 24% na mas mataas kumpara sa 3,088 cases per day na naitala mula Agosto 8 hanggang 14. Ayon sa OCTA, nagkaroon ng pagbaba ang rate nang pagdami ng mga bagong kaso ng sakit.

Sa monitoring ng OCTA, nabatid na growth rate ng rehiyon ay nasa 72% noong nakalipas na dalawang linggo at 48% naman noong nakalipas na dalawang linggo. 

“The lockdown in the form of enhanced community quarantine helped reduce the growth rate of new COVID-19 cases,” ayon pa sa OCTA.

Dagdag pa nito, “While new cases are still increasing, the decreasing growth rate is consistent with a decreasing reproduction number. In other words, the surge has slowed down in the NCR.” 

Nabatid rin na ang kasalukuyang reproduction number sa Metro Manila ay nasa 1.67 kumpara noong nakaraang linggo na ito ay nasa 1.90. 

Ipinunto pa ng OCTA na ang Metro Manila ay mayroong kahalintulad na antas ng impeksyon o reproduction number noong Abril 1, 2021, ngunit ang kasalukuyang rate nang pagbaba ng reproduction number ay mas mabagal kumpara sa rate nang pagbaba noong panahong iyon. 

“Back then, it took two to three more weeks before new COVID-19 cases started to decrease in the NCR,” ayon pa sa grupo. 

Ang posible naman anilang paliwanag dito ay ang presensiya ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 na nasa bansa na ngayon o ‘di kaya ay ang mas mataas na mobility ng mga tao nitong katatapos na ECQ. 

Binigyang-diin rin ng OCTA na epektibo naman ang ipinairal na dalawang linggong ECQ ng pamahalaan ngunit kailangan anilang mapanatili ito sa loob ng susunod na apat na linggo upang makakita ng downward trend ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga susunod na linggo. 

“In any case, the downward trend in new cases may happen in the next few weeks but this will require sustained efforts in pandemic management over the next four weeks by the local and national governments and the public,” ayon pa sa OCTA. 

Kasalukuyan nang umiiral ang mas maluwag na modified ECQ (MECQ) sa Metro Manila at magtatagal ang implementasyon nito hanggang sa Agosto 31. 

Mary Ann Santiago

Tags: COVID-19COVID-19 SURGEECQMECQncrOCTA
Previous Post

Paolo Contis at LJ Reyes, tahimik pa rin sa isyu ng hiwalayan

Next Post

PCSO Lotto, balik operasyon ngayong MECQ

Next Post
Bentahan ng lotto tickets at iba pang PCSO digit games sa MM, suspendido na simula ngayong Biyernes dahil sa ECQ

PCSO Lotto, balik operasyon ngayong MECQ

Broom Broom Balita

  • Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris
  • Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila
  • Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers
  • NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas
  • Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang
Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

Designer outfit vs. Ukay-ukay: Vivian Velez, pinaghambing ang OOTD nina Heart at Maris

August 10, 2022
Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila

Sen. Padilla, iminungkahi ang cable car bilang tugon sa problema ng trapik sa Metro Manila

August 10, 2022
Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers

Kai Sotto, sasali sa Gilas sa pagsabak sa FIBA WC Asian qualifiers

August 10, 2022
NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas

NBA Fil-Am player Jalen Green, bumisita ulit sa ‘Pinas

August 10, 2022
Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang

Hidilyn, keber sa nabiting honeymoon; training sa 2024 Paris Olympics, push lang

August 10, 2022
DOH: Deteksyon ng monkeypox sa Pinas, hindi dapat maging sanhi ng pagkaantala ng pagbubukas ng klase

Suplay ng monkeypox vaccine, posibleng matanggap ng Pinas sa 2023

August 10, 2022
‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

‘No Contact Apprehension’ pinasususpindi

August 10, 2022
Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

Tom Rodriguez, sinita at inawat mga netizen na sumawsaw, nagbardagulan sa IG post niya

August 10, 2022
Utang ng Pilipinas, aabot na sa ₱12.09T — BTr

BSP, muling nagbabala vs phishing scam

August 10, 2022
Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

Suplay ng puting sibuyas, wala na! — DA

August 10, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2022 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.