• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Malagim na paggunita sa pagpaslang kay Ninoy

Balita Online by Balita Online
August 21, 2021
in Opinyon, SENTIDO KOMUN
0
Araw-araw na pagpayaman sa wikang pambansa
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Sa pagbabalik-tanaw sa sinasabing masalimuot at karumal-dumal na pagpaslang kay Senador Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., halos tatlong dekada na ang nakararaan, isang kabanata lamang sa aming buhay ang aking bibigyang-diin: Bilang magkapatid sa pamamahayag. Kapuwa kami naglingkod sa Manila Times Publication na pag-aari noon ng Roces family; bagamat siya ay may programa rin sa ABC Channel 5 na pag-aari rin ng Roces clan.

Bago pumalaot sa larangan ng pulitika, si Ninoy ay tumanyag na sa daigdig ng pamamahayag — sa print at broadcast media. Siya, sa aking pagkakaalam, ang kinilalang pinakabatang war correspondent noong Korean War. Sa katunayan, ang kanyang sinulat at isinahimpapawid na mga balita ay magiliw na sinubaybayan ng ating mga kababayan; naglarawan ito ng kahindik-hindik na mga sagupaan ng mga sundalong Koreano at mga kawal na dayuhan, kabilang na ang ating mga tropa sa sandatahang lakas ng bansa.

Sa malagim na kamatayan ni Ninoy, hindi ko tatangkaing salingin, wika nga, ang maseselang detalye hinggil sa naturang trahedya. At lalong hindi ko iisipin ang lumutang na mga haka-haka na tumutukoy sa mga utak sa pagpaslang sa dating Senador. Sapat nang mabatid ng sambayanan na tila nababalot pa ng hiwaga at kababalaghan ang naganap na kalunos-lunos na eksena.

Sa kabila ng katakut-takot na mga pagdurusa na sinapit ni Ninoy bilang mahigpit na kritiko ng administrasyon, hindi nagbago ang kanyang pakikitungo sa ating mga kapatid sa propesyon. Sa katunayan, sa isang press briefing nang siya ay nakakulong sa Fort Bonifacio, mistulang niyakap niya ang mga peryodista na kinabibilangan ng local media at mga miyembro ng Foreign Correspondent Association of the Philippines (FOCAP).

Sa naturang pulong-balitaan, wala siyang iniwang nakabiting sagot, wika nga, sa mga tanong ng mga peryodista; kahit na ang mga iyon ay may pasaring sa mga may kapangyarihan, lalo na ang tungkol sa sinasabing tahasang paglabag sa mga karapatang pantao o human rights.

Sa pagtatapos ng pagpupulong, nahiwatigan ko ang halos pabulong na tanong: Babalik ka ba sa Pilipinas matapos ang iyong pagpapagamot? Palibhasa’y mapagmahal sa lupang tinubuan, gusto kong maniwala na ang naging tugon ni Ninoy sa nabanggit na katanungan ay inilarawan ng malungkot na kapalaran na sinapit niya sa tarmac ng Manila International Airport (MIA) noong Agosto 21, 1983.

Previous Post

May solusyon sa EDSA traffic

Next Post

Founder ng CPP-NPA? Ilan sa mga usaping buhay pa rin, 38 taon ang nakararaan nang paslangin si Ninoy Aquino

Next Post

Founder ng CPP-NPA? Ilan sa mga usaping buhay pa rin, 38 taon ang nakararaan nang paslangin si Ninoy Aquino

Broom Broom Balita

  • Xyriel Manabat bilang Tonet sa ‘Dirty Linen’: ‘She’s more than just her number of followers’
  • Binatilyo, patay nang malunod sa isang ilog sa Caloocan
  • ₱2,000 buwanang subsidiya para sa mga magulang ng CWD, isinusulong
  • Sen. Cynthia Villar, naghain ng panukalang batas para protektahan ang Panaon Island
  • ‘For the love of nature!’ Environment-inspired na obra ng isang estudyante, hinangaan
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.