• About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon
No Result
View All Result
Balita - Tagalog Newspaper Tabloid
No Result
View All Result
Home Opinyon

Araw-araw na pagpayaman sa wikang pambansa

Balita Online by Balita Online
August 20, 2021
in Opinyon, SENTIDO KOMUN
0
Araw-araw na pagpayaman sa wikang pambansa
0
SHARES
0
VIEWS
Share on FacebookShare on Twitter

Hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataong ito — ang tinaguriang Buwan ng Wikang Pambansa — nang hindi binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapayaman sa wikang Filipino o Tagalog. Sa katunayan, hindi lamang sa loob ng isang linggo, tulad ng nakagawian nating Linggo ng Wika, at kahit na sa loob ng isang buwan, tulad ng pagdiriwang natin ngayon, at lalong hindi lamang sa loob ng isang taon dapat gunitain ang sarili nating wika — kundi araw-araw o sa buong panahon ng ating pamumuhay sa planetang ito.

Biglang sumagi sa aking utak ang masalimuot subalit makabuluhan at matalinong pagpapalitan ng mga argumento nang binabalangkas ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Pambansa — noong panahon ni Presidente Fidel Ramos. Sa isang pagpupulong na dinaluhan ng iba’t ibang grupo ng mga mapagmahal at tagapagtaguyod ng wikang Filipino, lumutang ang sa palagay ko ay nagkakaisang paninindigan: buong panahon dapat ipagdiwang at pahalagahan ang wikang Filipino. Kasabay na lumutang ang katotohanan na ang naturang wika ay malaganap na at ginagamit ng ating mga kababayan mula sa Batanes hanggang sa Jolo; na ito ang pinakamabisang behikulo ng komunikasyon ng sambayanang Pilipino, kahit na anong lipi ang kanilang kinaaaniban.

Anupa’t sa kabila ng nabanggit na magkakasalungat na mga argumento, paggunita at pagpapahalaga sa wika, tila lalong umigting ang pagsisikap ng mga kapuwa nating mapagmahal sa sariling wika. Kumilos noon ang tinatawag na mga purist o purista upang pagyamanin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga salitang dapat matutuhan ng ating mga kababayan. Lumutang, halimbawa, ang mga salitang saksisid o sasakyang sumisisid na tumutukoy sa mga submarino o submarine; salumpuwit na katumbas ng upuan o silya; lintiklaw o lintik na ilaw na katumbas ng elektrisidad; at marami pang iba. Dangan nga lamang at tila hindi kinagat, wika nga, ng sambayanan ang gayong mga salita.

Gayundin ang mga pagsisikap na pinaigting ng ilang ahensya ng gobyerno. Ipinatupad naman nito ang tinatawag na Taglish — ang paggamit ng magkahalong Tagalog at English sa pakikipag-usap at maging sa pagsulat ng mga balita at artikulo sa ating mga babasahin. Kapuna-puna na ang sistemang ito ay ginagamit pa hanggang ngayon ng ating mga kababayan, lalo na ang ating mga kapatid sa pamamahayag.

Bilang dagdag sa gayong mga pagsisikap, lalo nating pag-ibayuhin ang pagpapayaman sa ating wikang Filipino — kasabay ng gayong pagpapaunlad sa iba’t ibang dialekto o katutubong wika sa ating bansa. At ito ay marapat isagawa hindi lamang sa loob ng isang linggo, buwan o taon, kundi sa lahat ng panahon.

Previous Post

Metro Manila, Laguna, isinailalim na sa MECQ

Next Post

Robredo: ‘Wag masamain ang COA reports’

Next Post
Robredo: ‘Wag masamain ang COA reports’

Robredo: 'Wag masamain ang COA reports'

Broom Broom Balita

  • Wanted na Japanese dahil sa pamemeke ng kasal, timbog sa Maynila
  • 3 parak, timbog matapos mahulihan ng P1.4-M halaga ng ‘shabu’ sa Cavite
  • Vice Ganda, kinumpirmang okay sila ni Karylle; may pasaring kay Kuya Kim?
  • Kris Aquino, kumpiyansang gagaling sa sakit dahil sa kaniyang bagong doktor
  • Deadline ng application para sa MUPH 2023, extended
Pagsusuot ng school uniform, hindi required ngayong SY 2022-2023

94% ng public schools sa NCR, tagumpay na nakabalik sa full F2F classes simula Nob. 2– DepEd

November 2, 2022
Health expert, hinimok ang gov’t na magkaroon ng ‘vaccine transparency’

Pagbabakuna sa mga mall tuwing weekend, itinigil na rin ng QC gov’t

November 2, 2022
NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

NIA: Magat Dam, nasa critical level pa!

November 2, 2022
Netizens, binatikos ang ‘nakakadiri’ na Facebook caption ni Hipon Girl; beauty queen, nag-sorry

Herlene Budol, nakatakda nang lumipad pa-Uganda, humiling ng panalangin sa fans

November 2, 2022

Instant millionaire! OFW sa Dubai, nakapag-uwi ng higit P15.8-M sa isang raffle

November 2, 2022
Mga magsasaka, tumanggap na ng fuel subsidy

Bukod pa ayuda: Mga magsasaka, mangingisda pauutangin ng DA

November 2, 2022
‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

‘Tirikan,’ ang kakaibang tradisyon sa isang bayan sa Marinduque tuwing Undas

November 2, 2022
Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

Suplay ng basic goods, matatag pa rin — DTI

November 2, 2022
Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

Que horror! Halloween peg sa pagsirit ng presyo ng langis, ikinarelate ng netizens

November 2, 2022
Kahit ‘di pa natutukoy mastermind: ‘Lapid slay case, solved na!’ — PNP

Lapid murder case: Mga umano’y mastermind, natukoy na!

November 2, 2022
Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang Nangungunang Pahayagang Tagalog sa Bansa (Pilipinas)

Follow Us

  • About
  • Advertise
  • Privacy & Policy
  • Contact

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.

No Result
View All Result
  • Balita
    • Probinsya
    • Daigdig
    • Dagdag Balita
  • Showbiz atbp.
  • Balita Archive
  • Sports
    • Basketball
  • Features
  • Opinyon

© 2023 JNews - Premium WordPress news & magazine theme by Jegtheme.